top of page
Search

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | April 20, 2026



SHEET - KRIS, GUSTO NANG MAGING MANUGANG ANG FIRST GF NI BIMBY-IG _krisaquino

Photo: IG _krisaquino



Mukhang may espesyal nang babae sa puso ng bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby, na kamakailan lang ay nagdiwang ng kanyang ika-19 na kaarawan.


Sa ibinahaging video ni Kris noong Abril 19, makikita siyang patulog na nang halikan siya ng anak — pero mas ikinatuwa ng mga netizens ang diretsahang tanong ng ina na, “You have a girlfriend na?” na sinabayan pa ng pag-amin ni Bimb na may babaeng ‘special’ sa kanya. 


At dahil maraming tanong, nag-“I love you, Mama,” na ang binata.

Matagal nang wish ni Kris na magkaroon na ng girlfriend ang bunso at gusto na niyang ipakilala ito sa kanya, kaya tinanong ang anak kung ano’ng magandang ibigay sa dalaga.


Aniya, “I never thought I’d be excited for the day when Bimb really likes a girl. He told me he feels she’s ‘special’. My birthday wish for my bunso is that she does become his first girlfriend and who knows, God willing, also his last. 


“Yes, I’ll be very blessed to have her for my daughter-in-law in 7-9 years. I’ve been asking Bimb the past couple of weeks if we can send her flowers, balloons, candies or chocolates, food, and half of a couple hoodie in white since it’s summer. I asked Bimb if she had a new phone — he freaked and said, ‘Mama, chill. You’ll overwhelm her because she’ll know it’s not from me but from you. Please let it flow.’


“Bimb has sacrificed so much to take care of me, but he doesn’t have to anymore. The best gift I can give him is to let him enjoy his youth and let him choose his own career path. My deal with him is he just has to give his 100%.”


Samantala, sinabi ni Kris na may project siyang gagawin kasama ang inaanak sa kasal na si Dingdong Dantes.


Pahayag ni Kris Aquino, “As for me, I have one more infusion session of Rituxan. This is already my second cycle. It’s a very strong immunosuppressant, but I’ve gotten encouraging results. The people I will be working with under the team created by my godson @dongdantes will just need to take extra precautions.


“There was supposed to be a final presentation earlier, meaning April 18, but I asked for a reschedule. I didn’t want to see what my comeback show was going to look and sound like because this is Bimb’s weekend, and later we’re eating out, only my second time since coming home, with a very close family #happybirthday #iloveyou #19.”





‘KAALIW ang mag-asawang Neil Arce at Angel Locsin dahil sa sagutan nila sa Instagram (IG) nu’ng isang gabi.


Ipinost ni Angel ang mga programang ginawa niya noong may prangkisa pa ang ABS-CBN bago siya nagbakasyon ilang taon na ang nakararaan.


Caption ni ‘Gel, “Kapamilya? ‘Di man Lopez ang apelyido ko, I may be retired and no longer an employee, pero ang puso ko, nandito pa rin. Titindig para sa ating pamilya.


“True to your slogan: Once a Kapamilya, always a Kapamilya. Buong puso, hanggang ngayon — para sa ABS-CBN. #kapamilyaforever.”


Sa kasalukuyan ay kulang 60,000 na ang nag-heart sa post na ito ng aktres at kulang 1,000 ang mga komentong nabasa naming nagustuhan ang pagmamalasakit niya sa Kapamilya channel.


Nagkomento ang asawa ni Angel na si Neil (published as is), “Naalala ko ‘yan, pinapanood ko kung bata pa ako.”


Maraming natawa sa komento ni Neil na umabot sa kulang 500 likes.


Sabi ni Angel sa asawa, “@neil_arce sakalin kita ng 10x.”


Ang ibang followers ng dating aktres ay humiling na huwag naman daw sanang magtuluy-tuloy ang sinabi nitong semi-retired siya dahil marami pa ring gustong makita siya ulit sa telebisyon.


Hirit ng stepson ni Angel na si Joaquin Arce, “Goat posting,” na sinagot naman ng una ng smiling face emoji.


Ang ibig sabihin ng GOAT ay Greatest of All Time.


Isa sa ABS-CBN TV executives na si Mama Bear o Cynthia Jordan ang nagkomento ng “I miss you and love you, ‘Gel,’” na sinagot ng tatlong red heart emojis ng aktres.

Mula naman sa Incognito director na si Lester Pimentel Ong, “Your Kapamilya are still waiting for your comeback project.”


Ang ace photographer na si Marc Nicdao ay nag-post din ng “Best times.”

“My loves,” naman ang sagot ni ‘Gel sa kaibigan.


Ang dami pa naming nabasang naghihintay sa pagbabalik ni Angel Locsin, pero kung hindi pa ito kaya dahil sa kalusugan niya, maiintindihan naman ng kanyang mga tagahanga.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page