ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | January 29, 2021

Nilinaw ni Ian Veneracion na happily married siya na tila sagot sa tsismis ngayon na hiwalay na siya sa asawa.
Sa kanyang cryptic post sa Instagram, sinabi ni Ian na hindi raw niya kailangang idepensa ang sarili sa kasinungalingan.
“I don’t want to normalize people exploiting our personal lives for their entertainment.
“I don’t need to defend myself from the lies of perverts,” ang pahayag ni Ian.
Sa kanyang caption ay inamin ni Ian na pissed-off siya at nilagyan pa sa dulo ng hashtag na #happilymarried.
“Once upon a time I was pissed. #happilymarried,” ang caption ni Ian.
Nag-ugat ang tsismis na hiwalay na sa asawa si Ian nang may lumabas na blind item tungkol sa isang aktor na nasa 40s na at may maamong mukha. Nakalagay din sa BI na may isang starlet na nagpi-flirt sa kanya.
Ang hula ng mga netizens ay si Ian nga ang aktor na tinutukoy sa BI at si Sue naman ang hinala nila na starlet since magkasama ang dalawa sa sitcom na Oh, My Dad sa TV5.
Nauna nang nilinaw ng boyfriend ni Sue na si Javi Benitez na mali ang hula ng mga netizens.
“Hindi starlet si Sue at hindi siya ganyang babae. Mali hula n'yo kaya itigil n'yo na 'yan,” ang sagot ni Javi sa tanong ng isang netizen kung kumusta na ang secret relationship nina Sue at Ian.
Maging ang producer na si Atty. Joji Alonso ay nagbigay din ng paglilinaw tungkol dito.
“I produce Oh My Dad for Brightlight. There is absolutely nothing going on between Ian and Sue. Sorry, wrong guess,” ang pahayag ni Atty. Joji.

