top of page
Search

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | May 04, 2021



ree

Kinlaro ni Zsa Zsa Padilla na kaya siya nagpunta ng California, USA ay para ipa-checkup ang pananakit ng binti at likod sa loob nang limang araw.


Hangga’t maaari ay ayaw sanang umalis ng bansa ng Divine Diva, pero dahil punuan ang mga ospital sa Pilipinas dahil sa mataas na kaso ng COVID-19, kinailangan niyang lumipad na para magpa-MRI (Magnetic Resonance Imaging) scan.


Base sa post ni Zsa Zsa sa kanyang Instagram account, “As some of you might already know, I’m in the US now to continue my check-up. So much has been said about my condition since I tweeted that I was experiencing leg and back pain for 5 days and couldn’t have an MRI in Manila because of the COVID cases in hospitals.


“I also heard recently that I’ve had COVID. It’s not true. Last year, I started having problems with the nerves on my legs and some lower back pains. My Dr. in Manila advised me to have an MRI but unfortunately, since it was my first time to do this procedure, I had no idea. I would cry and back out due to claustrophobia.


“So, after a year, my back and leg started giving me problems again and since our hospitals are filled with COVID patients, I didn’t want to risk having my tests back home.


“My partner, Conrad (Onglao) decided to take me to see his brother, Dr. Art Onglao in California and he found a specialist for me. I also needed a check-up with my Obgyn and luckily, my nerve specialist is married to an Obgyn! What were the chances?!”


“Since we arrived, I have been busy with all my much-needed consultation and tests.


“Today, I had my last test — ironically the MRI I most dread. What a finale, huh? I’m happy though that Art found a machine for me that is so much less threatening than a regular MRI. And I’ve conditioned myself well enough to be braver and to keep smiling.


“Let’s continue to take care of our health. Tomorrow, I will see my nerve specialist so he can give me his diagnosis.


“I know that everything will be ok. I just thought of sharing so you wouldn’t get fake news. Thanks for joining me. Take care now!”


Nabanggit din ng TV host-singer na hindi totoong nagkaroon siya ng COVID19 na isa rin sa mga dahilan kaya siya nasa Amerika.


Anyway, nag-long drive naman sina Zsa Zsa at Conrad Onglao patungong Las Vegas, Nevada para dalawin ang mahal na ina at mga kapatid ng singer.


Say ni Zsa Zsa sa larawan nila ng mama niya, “Reunited with my beautiful Mama! So happy to be with family after 2 years! #lasvegas #family #mama #motherdaughter #familyiseverything.”


At sa mga kapatid, “My sisters and Kuya Ray. I’m very close to my sisters. We text each other every single day. Still, I miss them so much and happy to be visiting my other hometown, Las Vegas. #sisters #brotherinlaw #lasvegas #family #familytime #familyiseverything.”


Wala namang binanggit kung hanggang kailan sina Zsa Zsa at Conrad sa Amerika.



 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | November 28, 2020


ree


Abut-abot ang pasasalamat ni Sylvia Sanchez sa nurse na nag-alaga sa kanila ng asawang si Art Atayde noong nagkasakit sila ng Covid-19 nitong Marso hanggang Abril ngayong taon.


Laging nababanggit ito ng aktres kapag nakakakuwentuhan siya, na labis ang pasasalamat niya sa mga frontliners, dahil binibigyan sila ng lakas ng loob habang nakaratay sa kanilang hospital bed.


At nitong isang araw ay dinalaw siya ng nurse na tumutok sa kanilang mag-asawa.

“After 7 mos, nayakap at nagkita din tayo @diannerific. Ang saya-saya ko, kanina ko lang nakita nang husto ang mukha mo dahil mula March 30-April 16, naka-mask ka habang inaalagaan mo ako at asawa ko.


“Habang niyayakap kita kanina, ang sarap-sarap sa pakiramdam na mapasalamatan ka nang buung-buo. Nakakabilib ang dedikasyon mo bilang Charge Nurse sa aming mga Covid patients.


“Maraming-maraming salamat, Dianne, sa pag-alaga, pagmamahal at pagsasabi lagi na 'Kaya mo 'yan, Ma’am Sylvia, ‘wag kang gi-give-up, laban po!' Ilang beses kitang tinanong noon, 'Mabubuhay pa ba ako, Dianne? Makakauwi pa ba ako?' Sagot mo sa akin, 'Opo, magkikita pa kayo ng mga anak mo, hinihintay ka nila kaya palakas at pagaling ka.' Hahaha! 'Kaiyak maalala.

“Isa ka sa mga naging anghel ko habang nasa hospital bed ako at nakikipaglaban kay Covid-19. Maraming-maraming salamat sa 'yo, bagong kaibigan, bagong kapamilya, Dianne Engco. Love you. #frontlinersph #cardinalsantos #family #grateful #thankuLORD"


Sakto naman dahil sa pagbabalik ng Maalaala Mo Kaya o MMK ay gagampanan ng aktres ang karakter ng nanay na namatayan ng anak na doktor dahil sa Covid-19.


“Actually, ang sakit-sakit para sa isang nanay na katulad ko at sa lahat ng nanay. Ito, lagi kong sinasabi, laging dasal ko sa Diyos na ang mga anak ko ang maglilibing sa akin, hindi ako ang maglilibing sa mga anak ko dahil hindi ko kakayanin ‘yun.


“Lahat ng naging problema ko sa buhay, nalagpasan ko, kahit gaano ako ibinagsak ng problema. At sabi ko nga sa Diyos, isa lang ang hindi ko kakayanin, 'pag ako ang naglibing sa mga anak ko. Lahat ng nanay, ganu’n,” pahayag ng aktres.


Mapapanood ang episode ng mag-inang Sylvia at Arjo Atayde sa MMK ngayong Sabado, 8:45 PM, at sa Disyembre 5 mula sa direksiyon ni Dado Lumibao at mapapanood sa A2Z channel sa free TV at digital TV boxes gaya ng TVplus, Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, Cignal channel 22, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa TFC, iwant app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.


Samantala, sa tanong namin sa aktres kung hindi ba siya natakot mag-shoot sa new normal, “Hindi. Masaya nga, eh, sa Quezon (shoot).


“Kung paiiralin ko ang takot sa sarili ko, eh, walang mangyayari sa buhay ko. Kailangang tanggapin na nang buung-buo na ito na ang new normal at mag-ingat na lang talaga. Mula Nov. 6-12 kami sa Quezon,” katwiran sa amin ni Ibyang.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page