ni Nitz Miralles - @Bida | December 17, 2020

Idinadaan na lang sa biro ni Derek Ramsay ang comment sa kanyang Instagram page na beki siya at ginagamit ang mga hot actresses para hindi mahalata ang kanyang kasarian.
Ang sagot dito ni Derek, “Naku, patay, alam na” at may thumbs-up emoticon pa.
Sa nag-comment naman ng “Gandang katawan pero walang nagtatagal na babae sa 'yo,” sagot ni Derek, “I’ll find the right one dear.”
Ang ibang comments, hindi na sinagot ni Derek, wala rin namang saysay.
In fact, ang caption niya sa post na photo niyang nagpe-flex ng muscles, “Labas na lang natin ang galit sa bortawan!!! #echoslang.”
'Kaaliw si Derek dahil alam ang word na “borta.” Hahaha!
Samantala, sa radio interview kay Derek, nabanggit niyang may ipi-pitch sa kanyang new project ang GMA-7. Ibig sabihin, hindi na talaga matutuloy ang Sanggang Dikit na gagawin sana nila ni Andrea Torres. Eh, hindi na nga matutuloy ang project dahil break na sina Derek at Andrea.

