ni Nitz Miralles @Bida | February 6, 2024
Naalala ng mga followers ni Heart Evangelista sa Instagram na may post siya dati na “I have a wedding in 2 weeks.”
Ngayon lang nag-sink-in sa mga followers ni Heart na kasal niya ang binanggit nito, ang renewal of vows nila ni Sen. Chiz Escudero.
Ipinost ni Heart sa kanyang IG Story ang wedding invitation at nakasulat ang: “We joyfully invite you to the wedding reception celebrating the renewal of vows of Chiz & Heart.
The honor of your presence is requested on February 2024 at seven o’clock in the evening.”
Ang invite ay sa reception at hindi sa wedding ceremony at mapapansin na hindi ipinakita ang date ng reception, pati ang venue. Pero, ang renewal of vows nina Chiz at Heart ay sa Feb. 15 na raw, hindi pa nababanggit kung saan.
Sa IG pa rin ni Heart, may ipinost siyang wedding bouquet na hindi made of flowers kundi of stones. Ang flowers ay gawa sa mga brilyante at diamante.
Ang caption ni Heart sa post, “@eliesaabworld, Thank you for my beautiful gift. 10 more days to go #chizheart #chapter2.”
So, gift ni Elie Saab ang kakaibang wedding bouquet na kung ‘yun ang gagamitin ni Heart sa wedding nila ni Chiz ay magnanakaw ng eksena.
Ang biruan nga ng mga followers ni Heart, siguradong marami ang sasalo sa bouquet throwing dahil imagine, puro brilyante ang sasaluhin mo!
Ang dasal nga ng karamihan, sana, sila ang makasalo na nakakatuwa dahil hindi naman sila invited sa wedding.