top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg
Search

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | May 28, 2021




Kasabay ng init ng panahon ang Instagram post ni Ellen Adarna ng series of sizzling photos nila ng fiancé na si Derek Ramsay.


Nag-post ng apat na larawan si Ellen kung saan ay tila nag-a-acrobat sila ni Derek na nakabaligtad siya habang inaangat ng paa ng aktor ang kanyang katawan.


Makikita rin kung gaano ka-flexible ang katawan ni Ellen na kaya niyang abutin ang mukha ni Derek, na sa huling larawan ay nag-kiss pa sila habang nasa ganu'ng posisyon.


“You’re Lucky I’m naturally flexible,” ang caption ni Ellen na dinugtungan ng hashtags na #annoyingcouple at #nobrokenboneshere.


Sa comment section ay talaga namang nagkagulo ang mga followers ng aktres. May natuwa, may kinilig, may nabigla at may nainggit.


“Hoyyy!!! Rated PG ang Instagram, patnubay ng magulang ay kailangan,” komento ng isang netizen.


“Parental guidance. Mga bata, huwag gayahin, baka mabalian kayo ng buto. Paalaala lang na hindi kayo si Ellen Adarna,” anang isa pa.


“Grabe silaaaa,” reaksiyon ng isa pang follower.


“How sweet and beautiful couple to see. God bless,” sey naman ng isa pang netizen.


Ang iba naman ay tina-tag pa ang mga friends or lovers nila at hinahamong gawin ang naturang acrobatic position.


Komento naman ng isa pa, “Para hindi tayo iwan, kailangan flexible. Sana all."

Reaksiyon ng isa pang follower, “Helicopter na 'to.”


Natawa naman kami sa tanong ng isang netizen kung hindi pa rin ba sila nagkakasawaan.

Oh, well, pagdating talaga sa social media post, wala na yatang tatalo kina Derek at Ellen.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page