top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j
Search

Julie Bonifacio - @Winner | December 22, 2020




Affected much ang mga netizens sa nag-viral kahapon, Lunes, na video ng pulis na binaril ang mag-inang taga-Panique, Tarlac.


Umaga pa lang ay trending na agad sa Twitter ang news tungkol sa insidente ng barilan at ang anak na babae ng pulis na nag-dialogue ng "My father is a policeman."


Pati ang ibang celebrities ay 'di rin napigilang mag-react sa social media, kabilang na sina Maine Mendoza, Angel Locsin, Loisa Andalio at Vice Ganda.


"Bihira na lang mag-check ng Twitter, 'yun pa talaga bubungad sa 'yo. Ang sakit talaga sa puso... #STOPTHEKILLINGSPH #EndPoliceBrutality," panimulang reaksiyon ni Maine.


Sa pangalawang tweet ni Maine, nagulat naman ang ilang netizens sa salitang ginamit niya to express her disappointment and anger.


“'Di' dapat 'yan, hindi Jon. Pota. #STOPTHEKILLINGSPH #EndPoliceBrutality."


Never sigurong na-imagine ng ibang netizens na magagamit ni Maine ang salitang "pota."


"Owsss, ikaw ba ito, nagmumura ka pala."


"Wow Maine, is this really you? First time you used that word, parang 'di ikaw ito. We know na mapili ka sa mga words na gagamitin at ginagamit mo."


Ipinagtanggol naman si Maine ng iba.


"Walang masama magmura. Kahit artista siya, AYOS LANG MAGMURA. Tao pa rin naman siya at nakakaramdam ng emosyon. Haist! Big deal masyado naman ang "POTA".. hahaha."


"Seriously, hindi rin ito ang tamang panahon para sa image niya porke't artista siya. Tao siya hindi Diyos, hindi masamang magpahayag ng damdamin lalo na't kung minsan 'yang salitang "pota" na lang ang maglalarawan sa kahayupan nu'ng pulis."


At sa pangatlong tweet ni Maine regarding the shooting incident, tuluyan na niyang ibinuhos ang nilalaman ng kanyang isip at puso.


"BAKIT KAILANGANG UMABOT DOON? Hindi ko kaya, grabe. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pero puwede bang barilin ka na lang din sa harap ng anak mo? Sorry, Lord, pero sobra kasi 'yun, eh. Sobra 'yung ginawa niya. Hustisya para sa mag-inang Gregorio. #STOPTHEKILLINGS."


Tweet naman ni Loisa, "You can’t talk peace, and have a gun. #StopTheKillingsPH"


Ini-retweet naman ni Angel ang piktyur nu'ng pulis na bumaril sa mag-ina habang nasa loob ng presinto para kunan ng record.


Simple lang ang caption na inilagay ni Angel sa kanyang ini-retweet na news item sa pagkakapasok na sa kulungan ng pulis.


"Murderer."


Aniya pa sa isa pa niyang tweet, "Good cops should condemn bad cops. Remember the motto, #ToProtectAndToServe."


Naka-relate naman ang It's Showtime host na si Vice Ganda sa pangyayari.


"Natulala ako matapos kong mapanood 'yung video. Bumalik 'yung trauma ko. Bumalik lahat ng pilit kong ibinabaon na alaala. 'Yung putok ng baril. 'Yung hitsura nu'ng tatay ko na parang baboy na isinasakay sa jeep. 'Yung mukha ng demonyo. Ang bigat ng nararamdaman ko," mensahe ni Vice.


Nag-wish din si Vice sa kanyang tweet na huwag magaya ang pinatay na mag-ina sa kanyang ama na nakita niya nang barilin ng 'di kilalang lalaki at nabigong makuha ang hustisya.


"Sana’y 'wag silang magaya sa tatay ko na 'di nabigyan ng hustisya. Sana’y 'wag silang magaya sa pamilya namin na namanhid na lang sa tagal ng paghihintay ng katarungan. Sana, wala nang makaranas ng kasamaang ito. #JusticeforSonyaGregorio #JusticeforFrankGregorio."

 
 
RECOMMENDED
bottom of page