top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg
Search

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | July 19, 2023



Ang ganda ng imaheng iniwan ng Malaysian model and actress na si Carmen Soo sa Pilipinas dahil mahigit isang dekada na ang lumipas mula nang magbalik siya sa sariling bansa ay hindi pa rin siya nakakalimutan ng mga Pinoy fans nila ni Jericho Rosales.


Fifteen years ago ay nagsama sina Carmen at Jericho sa TV series na Kahit Isang Saglit noong 2008 na umabot sa 65 episodes na ipinalabas din sa Malaysia.


Tulad ng Korean singer and actress na si Sandara Park na produkto ng Star Circle Quest ay labas-masok din si Carmen sa bansa at sobrang mahal siya ng mga Pinoy dahil hindi pa rin nito nakakalimutang magsalita ng Tagalog.


Going back to Carmen ay isa na siya sa cast ng The Iron Heart Season 2 sa karakter na Harmonia na magiging kasangga ng CIB, ang agency na pinaglilingkuran nina Ian Veneracion, Jake Cuenca at Richard Gutierrez.


Anyway, ibinahagi ng Malaysian actress na nagkita na sila ng dati niyang leading man na si Echo at ipinost niya ang larawan nila sa kanyang Instagram account kamakailan.


Ang caption ng mga larawan ay: “Caught up with @jerichorosalesofficial and Tita @marinezelizalde during my last trip to Manila. We all need reading glasses now. Yup, Kahit Isang Saglit was 15 years ago.”


Komento naman ni Jericho, “Reading your caption 15 inches away from my face.”


Sagot ni Carmen, “Where is your glasses?”


Samantala, kinilig naman ang mga followers nina Carmen at Echo dahil hinihiritan sila na magsama sa isang proyekto, either series o pelikula.


Sabi ni @joirenatyourservice, “Rockie and Garie — My high school favorite love team.”


Panawagan naman ni @iamarieramos, “Please, teleserye for you, Carmen & Jericho. Calling ABSCBN/Kapamilya channel.”


Say ni @drocket21, “Big fan of Kahit Isang Saglit.”


Ayon sa business entrepreneur at part-time talent na si @rosalindwee, “I love that movie. Just talked with Malou Santos about it.”


Bukod kay Echo ay nagkita rin uli sina Carmen at Meryll Soriano at ipinost din ni Carmen ang kanilang larawan.


Ang caption niya: “When I was last at Iloilo for #TheIronHeart taping, I met the beautiful and talented @meryllsoriano after her last day of taping. Lucky me! Nice to meet you po, I love your portrayal of Juno (emojis clapping hands).”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page