top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg
Search

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | March 25, 2021




Kalat sa bakuran ng Kapuso Network na ibo-boycott daw ng AlDub fans (Maine Mendoza at Alden Richards) ang programang Eat… Bulaga! kung saan co-hosts sina Maine at Alden ng noontime show.


Ang dahilan ng mga fans ay ang suportang ibinigay ng EB! at Daddy’s Gurl management nu’ng mag-guest sa birthday episode ni Maine sa sitcom last March 6 ang boyfriend nitong si Arjo Atayde.


Hanggang ngayon ay panay ang pasasalamat ng DG maging ng EB! sa suportang ibinigay ni Arjo sa girlfriend.


Naghihimagsik daw ang nagpakilalang "true-blooded" fans ng tambalang AlDub. Mahigit dalawang linggo na raw nananawagan ang ADN (AlDub Nation) na i-boycott ang lahat ng mga programa na ipinrodyus ng M-ZET Productions at APT Entertainment lalo na ang sitcom na Daddy’s Gurl.


Ang M-ZET ay under ng EB! host na si Vic Sotto at ang APT Entertainment naman ay pag-aari ni Tony Tuviera. Co-prod ang M-ZET at APT sa DG.


Trending ang hashtag na "#TBADNBoycottMZETxAPT16" na ipinost ng "true-blooded" AlDub Nation.


Kaya raw may number 16 na ginamit sa boycott hashtag ay dahil 16 days na raw nu'ng March 23 mula nang inumpisahan nilang i-post ang panawagan sa socmed.


Sa isang tweet ng fan (published as is): "TBADN we are REDEFINING our concept of ENTERTAINMENT.


"We find Dotdotan entertaining than watching Daddysgurl @pauleenl_sotto and @EatBulaga.

"Hindi na namin pinanonood ito. Tuloy ang BOYCOTT


"LABAN PARA SA ALDUB @aldenrichards02 @mainedcm @panaadedge #TBADNBoycottMZETxAPT16"


Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin maatim o matanggap ng ADN na si Maine ay sa ibang lalaki nainlab.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page