ni Nitz Miralles @Bida | September 28, 2026

Photo: IG _cedrielzxs / SS
May nagpayo kay Carlos Yulo na tigilan na ang pagpaparinig sa kanyang mga magulang para matigil na ang isyu sa kanilang pamilya. Ang dapat daw na hashtag ni Carlos tuwing nagpo-post about his parents ay #StopTheHate.
Ito ay pagkatapos niyang mag-post kung saan tinawag na “My Chosen Family” ang parents ng girlfriend niyang si Chloe San Jose.
Nagpasalamat si Carlos sa family ng GF dahil sa sorpresa na ibinigay sa kanila ng kapatid na si Eldrew after lumaban sa Asian Games.
Heto ang post ni Carlos (as is), “After everything we went through before and during the Asian Games, we came home to this surprise from our people, my CHOSEN family (pray & white heart emoji).
“Thank you, Lord, for giving me people who went through the hard days with us, celebrate every victory with us, and never left our side. Salamat, Panginoon, sa pagpanalo Mo sa amin.
“Thank you, mahal ko, Chloe sa pag-share mo ng pamilya mo sa amin ni Eldrew, for loving us, looking after us, and making us feel that we are never alone.”
May post naman ang ama ni Carlos na si Mark Andrew Yulo na namimili sila ng asawang si Angelica Yulo ng mga paninda sa Divisoria.
Ang caption ni Mark sa post: “Divisoria kayod.”
Komento ng isang netizen (as is), “‘Pag ito siguro mga magulang ko, ibibigay ko lahat ng karangyaan, bakasyon, negosyo na ‘di masyado pagod. Siguro araw-araw akong magpapasalamat dahil sa talent na ibinigay sa akin ng Panginoon at dahil sa mga magulang ko na naisilang ako sa mundo.
“At kung magtampo man ako sa magulang ko, siguro, baka saglit lang. Mas lamang ang pagmamahal kaysa tampo or galit... Big hug, mami & dadi YULO.”
Siguradong isyu na naman ang post ni Carlos at post ng kanyang ama.
‘Kaaliw lang dahil ang nagsasagutan ay ang mga fans ni Carlos at ang mga kampi sa parents niya.
Aray ko!!! ANDRES, LAGLAG NA KAY ASHTINE DAHIL KAY DAVID
May tanong sa Viva ang AshDres fans nina Ashtine Olviga at Andres Muhlach, balak na raw ba nilang buwagin ang love team? Dahil ito sa balitang magtatambal sa isang Viva One project sina Ashtine at David Licauco.
Sina David at Ashtine ang mga bida sa Philippine remake ng hit K-Drama (Korean drama) series na Fight For My Way. Nangangamba ang AshDres fans na kapag nag-hit ang tambalan nina Ashtine at David, tuluyan nang mabubuwag ang AshDres love team, bagay na hindi malayong mangyari.
May nag-comment naman na mabuti pa ang BarDa fans nina David at Barbie Forteza, nasanay nang hindi nagkakatrabaho ang dalawa, kaya NR sila o no reaction. Saka na lang daw sila magre-react kapag may project na uli ang BarDa.
Sa ngayon, chill muna sila at ayaw makisabay sa kaguluhan ng AshDres fans.
First project ito ni David sa Viva kung saan, a few weeks ago, pumirma siya ng film project na collab ng Viva at GMA. Wala pa sigurong mahanap ang Viva na right film project for David, kaya series muna ang gagawin nito.
Sa Viva One ang streaming ng Fight For My Way at dahil nag-storycon na at cast reveal, magsisimula ang taping ng series. Bagong love team ito, sana walang mang-bash kina Ashtine at David. Pare-pareho lang silang nagtatrabaho.
PINURI ng Kapamilya fans si Bianca Umali dahil all-out ito sa pagpo-promote ng Always Yours, Never Mine. Present siya sa mall shows at sa isang mall, sinabayan siya ng fans nang kantahin ang kanta.
Pahayag ng aktres, “Sobrang saya ng buong promo tour ng Always Yours, Never Mine, pero higit sa lahat, sobrang grateful ako sa lahat ng taong nakasama namin sa journey na ‘to.
“Sa bawat lugar na napuntahan namin, sa bawat kantang sabay-sabay nating kinanta, sa bawat sigaw, yakap at ngiti, ramdam na ramdam namin ang pagmamahal at suporta ninyo.
Ang saya makasama kayo at maramdaman nang personal ang love na ibinibigay n’yo sa pelikulang ‘to. Mula sa aming mga puso, maraming salamat po! You’ve made this promo tour such a beautiful experience!”
First movie ito ni Bianca sa Star Cinema at first time niyang makatrabaho sina Julia Barretto at Joshua Garcia.

