ni Nitz Miralles - @Bida | December 14, 2020

Pina-trend ng fans ni Nadine Lustre ang hashtag na #StandWithNadine bilang suporta sa aktres sa breach of contract na isinampa ng Viva Artists Agency laban sa kanya. Sa mga nabasa naming comments, sigurado ang mga fans ng aktres na siya ang mananalo sa laban nito sa Viva.
Ang ibang fans ni Nadine, naghihintay kung sinong Kapamilya star ang magpapahayag ng suporta kay Nadine. But so far, wala pang nababalitang nagpahayag ng suporta.
Tahimik si Nadine at ang VAA at hinahayaang ang kani-kanyang abogado na lang ang magsalita na mas maganda at mas tama para hindi sabug-sabog ang isyu.

