ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | April 7, 2026

Photo: IG / Elijah Alejo
Hindi pinalampas ng Sparkle artist na si Elijah Alejo ang mga pambabastos na natanggap niya mula sa mga netizens sa kanyang social media account.
Nag-post ang aktres sa Facebook (FB) ng mga larawan niya na may caption na:
“Selfies from my look test last year for #SheWhoMustNotBeNamed.”
Hindi naman revealing ang kanyang suot at naka-plain T-shirt lang siya na may crocodile logo, pero dumagsa ang hindi magagandang komento ng mga netizens, lalo na ang mga kalalakihan.
Kaya naman hindi nakapagtimpi si Elijah at ipinost ang screenshots ng mga pambabastos na natanggap.
“The post vs. the comments. My photos are not your excuse, disrespect is never a compliment,” aniya sa caption.
Mababasa sa screenshot ang isang komento na nagsasaad ng “Babe, kan**t tayo.”
Sabi naman ng isa pa, “Nagagalit ako sa buwaya pero sige na nga, puwedeng maging buwaya na rin ako.”
Sa isang hiwalay na post ay naglabas ng mahabang rant ang aktres at kinondena ang mga bastos at walang respetong netizens.
Narito ang buong pahayag ni Elijah:
“Women are not toys. ‘Di kami laruan na puwede ninyong pagtripan kung kailan ninyo gusto. ‘Di kami objects na puwedeng bastusin at tawagin pang ‘compliment.’
“2026 na pero may mga utak pa ring naiwan sa panahong akala nila okay lang ang pambabastos. ‘Di pagiging confident o maganda ang problema. ‘Di pagpo-post ng photos ang issue.
“Kayo ang problema. ‘Yung mindset na iniisip ninyong may karapatan kayong mambastos.
“Just because you see a woman online does not mean you own a piece of her. ‘Di ibig sabihin na visible kami, available na kami sa kabastusan ninyo. ‘Di ibig sabihin na nag-post kami, pumayag na kami.
“Respect is basic. Kung wala kayo nu’n, that says everything about you.
“So kung wala kayong kayang ibigay kundi bastos na salita, manahimik na lang kayo. Women will continue to exist, express themselves, and take up space kahit ‘di ninyo kayang rumespeto.
“At tandaan ninyo, ang pambabastos ay ‘di kailanman magiging compliment.”
Korek!
“MAY hilo nang konti, parang umikot ‘yung kuwarto,” ang reaksiyon ni Bela Padilla nang sabihin sa kanila na sa 8 PM time slot mapapanood ang Blood vs. Duty (BVD), ang seryeng pinagsasamahan nila nina Richard Gutierrez at Gerald Anderson na nagsimula na kagabi (Monday) sa free TV.
“Kasi, sinabi nila sa amin, nagpo-promo kami, parang whole day promo, biglang lumapit si Miss Julie Ann (Benitez, business unit head ng JRB Creative Productions) sa amin nina Chard,” kuwento pa ng aktres sa video na ipinost ng Kapamilya Online World.
Of course ay natuwa raw sila na mapunta sa first slot sa primetime. Matagal nga naman itong pinagharian ni Coco Martin, na ang huling serye ay Batang Quiapo.
Aniya, “Let’s not lie, getting the first slot is good news, ‘di ba? It’s a pat on the back. That means you’re doing a good job. ‘Di naman kami magsisinungaling na parang ‘di namin in-expect.”
Dagdag pa niya, “We wanted this kasi we worked hard. So we want to maintain it so we’ll keep on working hard. ‘Yun na lang ‘yun. Parang I think ‘yun ‘yung best effort on our end. Hanggang kaya namin to stay on the first slot, we’ll stay.”
Pero siyempre, kung aalisin naman daw sila sa first slot sa mga susunod na buwan ay wala silang magagawa.
“Again, management’s decision ‘yan, audience’s decision ‘yan. If they find that there are other shows that deserve the first slot, wala rin naman kaming magagawa,” aniya.
