top of page
Search

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | March 16, 2021




Siguro, gusto lang ng basher na mapansin siya ni Sharon Cuenta kaya niya nilait ang hitsura ng Megastar at ikinumpara pa kina Bea Alonzo, Liza Soberano at Anne Curtis.


May ipinost kasing video si Sharon habang nasa taping siya ng Your Face Sounds Familiar.


Ang caption ng Megastar, “Girl in love and so loved! And not cutting her hair short. Repost from @gens_khaycee78. My barbie super cute. @reallysharoncuneta #sharoncuneta #sharoncunetanetwork #sharon2021 #sharoniansforever #GenS.”


Ang komento ng basher na si nak_namara, “Good thing noon ka nag-artista. Kung ngayon ka sumabay kina Bea (Alonzo), Liza (Soberano), Anne Curtis baka 'di ka napansin. Kung kamukha mo sana mommy mo (Elaine Gamboa - Cuneta), puwede ka sumabay, kaso daddy (Mayor Pablo Cuneta) mo ang kamukha mo, eh.”


Ipinagtanggol si Sharon ng follower niyang si @netski027, “Sina Bea at Anne, ang tatay, foreigner. Si Sharon, pure Pilipino ang magulang. But ang ganda niya, 'di ba? Kaya n’ya makipagsabayan kahit kanino. Golden girl na siya pero tingnan mo naman, maganda pa rin. Ang nag-iisang Megastar, lahat ng pelikula, blockbuster at lahat ng in-endorse niya, patok lahat.”


Gayun din si dhonskie88, @nak_namara, “'Pag bastos ka talaga, bastos kang tao, mal-edukado lang ang peg mo. Wala sigurong nagmamahal sa 'yo kasi napakalungkot ng buhay mo, naninira ka ng matinong tao at ubod nang bait at pagmamahal sa kapwa. Nag-iisip nga ako if tao ka ba talaga??? C Ate Sharon @reallysharoncuneta pa ang sasabihan mo ng 'di maganda, eh, more than 40 years na namumukadkad sa larangan ng pinilakang tabing halos lahat ng kasabay niya, siya lang namumukod-tanging sikat at visible pa until now. Kahit mga new generations actress, inirerespeto si Ate Sharon, tapos ikaw na wala ka man lang ambag sa mundo, maninira at magsasabi ng masasakit na salita? Ang tawag siguro sa 'yo, magkano ba bayad sa 'yo para manira kay Mega?? Wala ka na bang makain??”


At nagtagumpay ang basher dahil napansin nga siya ng Megastar, “@nak_namara, Eh, 'di ka nag-iisip. Sa dami na ng dumaan bago pa dumating sina Bea at lahat sila, e, maganda na ako!”


“Marunong akong kumanta, sumayaw, umarte. Nagpayaman ng producers dahil lahat ng ginawa ko (pelikula) sobra ang kinita. At nandito pa rin ako!”


“Alam mo ang ganda, sampusampera. Ang 'di maipaliwanag ng at sa tao ay ‘yung tinatawag na X-Factor. Puwede ba ako sumikat ng 'di milyon ang sumuporta at nagmahal sa 'kin? Engot.”


Hayan, naengot pa tuloy ang basher, kasi naman!


 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | October 8, 2020




Tiyak na iba-bash na naman to the max si Megastar Sharon Cuneta sa paglalabas ng Part 2 ng kanyang pinag-uusapang mega watch collection.

In-upload nga ni Mega ang Part 1 ng collection noong September 16 na meron nang 379,590 views, kung saan ilan sa mga pinili niya ay 'yung may meaning at may magandang stories na gusto niyang i-share, bukod pa sa pag-amin niya na investments din ang pagbili ng mamahaling relo na kanyang kinababaliwan.

Repost ni Sharon kahapon (October 7) ilang oras bago ito i-upload sa kanyang YouTube Channel, "Here's what you've been waiting for, Part 2 of My Watch Collection! Coming tomorrow, only here on the Sharon Cuneta Network #SharonCunetaNetwork #SharonCuneta."


Ipinasilip nga ni Sharon ang mga luxury watches niya at ilan dito ay Bvlgari, Rolex, Cartier at Piaget na punumpuno ng mamahaling bato.

Isa rito ang isinuot niya sa Madrasta movie noong 1996, pati na raw ang favorite ng mga Sharonians na favorite rin niya. Makikita rin ang isa sa pinaka-expensive watch sa collection at 'yung isa na nang mabili niya ay nag-iisa lang daw sa buong mundo, kaya for sure, nakakalula ang presyo nu'n!

Nag-react naman si Angel Locsin at taas-kamay na sabi niya, "Grabe ang collection!"

Ilan pa sa mga reactions ng netizens…

@revelyncabot, "Naku, naku bashers, pasok @ maharlika cno n ung kalbo banatby ba un lol ayan n nmn lol"

@silent_fan12, "Yaaaasss! So excited to watch the Part 2 of your watch collection! Thank you!"

@dumanzledam, "Oh great & thanks for sharing as I love watches too."

Opinyon naman ni @rhoxzytan, “No one can fault you for buying something expensive. Kasi pinaghirapan mo 'yan.”

"Pero grabe! Isang relo niya, may sarili na cguro kmi bahay. God bless Ms. Sharon. "

Well, dedma na lang sa mga bashers, ang importante ay tiyak na matutuwa ang mga Sharonians sa latest vlog na ito ni Sharon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page