top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg
Search

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | Pebrero 25, 2023


SENATE PRES. ZUBIRI, DEDMA SA PANAWAGANG BIGYAN DIN NG INFLATION AID ANG MGA ORDINARY WORKERS AT MARALITANG PINOY—Nanawagan ang SENTRO (Sentro ng mga Nagkakaisang Progresibong Manggagawa) kay Senate President Migz Zubiri na huwag lang ang mga staff ng Senado ang pagkalooban ng P50K inflation assistance.


Ayon sa labor organization, dapat isulong ng senate president sa Senado na ang lahat ng ordinary workers at maralitang mamamayan ay magkaroon o bigyan din ng inflation aid ng Marcos administration.


Ang masaklap, imbes na tumugon sa panawagan ng SENTRO, dinedma lang ito ng senate president na indikasyon na walang maaasahang inflation aid mula sa gobyerno ang mga ordinary workers at mga maralitang Pinoy sa bansa, period!

◘◘◘


MATAPOS MAGBANTA SI SEN. PADILLA NA GUSTO NA NIYANG MAG-RESIGN, MAY MGA NETIZENS NAG-POST NG 'RESIGN NA ROBIN'—Kung inaakala ni Sen. Robin Padilla na pipigilan siya ng taumbayan sa sinabi niyang magre-resign siya sa pagka-senador kapag hindi sinuportahan ng Marcos administration ang panukala niyang Charter Change (Chacha) o pagbabago ng Saligang Batas ay nagkakamali siya.


Imbes kasi na pigilan siya ng mamamayan, ang ginawa ng ilang netizens ay nagpalaganap sa social media ng #RobinPadillaResign. Boom!


◘◘◘


DAPAT ANG MGA MAGSASAKA NG TUBO ANG BINIBIGYAN NG AYUDA AT ‘DI BINIBIGYAN NG KAKUMPITENSYA—Bukod sa 440 metriko toneladang asukal na in-import ng Marcos administration na nakatakdang dumating sa bansa sa Marso 1, 2023, ibinulgar ni Sen. Risa Hontiveros na may nauna pang 260 container na naglalaman ng asukal ang nakapasok sa bansa noong Pebrero 9, 2023, at ang tugon dito ni Usec.

Domingo Panganiban ng Department of Agriculture (DA), ang lahat ng sugar importation na ito ay may permiso ni Pres. Bongbong Marcos.


‘Yan ang nakakalungkot na nangyayari sa ‘Pinas. Imbes na bigyan ng sapat na ayuda ang mga magsasaka ng tubo para makagawa ng maraming lokal na asukal ay binibigyan pa ng kakumpitensyang imported sugar. Tsk!


◘◘◘


SA HALIP NA DAGDAGAN ANG SUWELDO NG 300 BUCORS EMPLOYEES, EH SISIBAKIN PA—Mahigit 300 empleyado ng Bureau of Correction (Bucor) na walang civil service eligibility ang posibleng tanggalin ng gobyerno sa trabaho.


Pambihira naman, imbes na dagdagan ang suweldo ng may 300 BuCor employees dahil sobrang mahal ng presyo ng mga bilihin at bayarin, ay sisibakin pa sila ng pamahalaan.


Saklap!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page