ni Nitz Miralles - @Bida | February 11, 2021

Na-bash na naman si Julie Anne San Jose at pati si Gabbi Garcia dahil sa episode ng All-Out Sundays last Sunday. Pinalipat kasi ni Gabbi si Alden sa gitna, sa tabi ni Julie, at akala ng ilang AlDub fans, ibinubugaw daw ni Gabbi ang dalawa. Dapat daw, ang BF niyang si Khalil Ramos ang ibugaw niya kay Julie.
Pati ang GMA-7, nadamay, dahil utos daw kay Gabbi at sa cameraman na pagtabihin sina Julie at Alden. Pinag-initan siyempre ang AOS, laos na raw ang show ng network, hindi mga sikat ang kasama at kung anu-ano pang masasamang salita.
Grabe na naman ang mga hanash kay Julie, pati ang pananamit nito ay pinuna dahil nagpapaseksi raw para kay Alden. Tinawag pa siyang bold star at laos na. Ang mga fans na ni Julie at Kapuso fans ang nag-react. Ipina-trend nila ang hashtag na #ProtectJulieAldenandGabbi at #RespectJulie.
Sumagot na nga si Gabbi at ang sabi, “Ay, wala pong nag-utos. Na-conscious lang po ako dahil si Alden ang headliner ng show, tapos ako po 'yung nasa gitna nu'ng closing.
Pinapalipat ko po siya kasi nasa gilid ko po siya. Dapat po, nasa gitna siya ng ending dahil headliner po ang idol n'yo.”
But as usual, hindi ito pakikinggan at paniniwalaan ng ibang AlDub fans at talagang naniniwala silang ipinu-push ng GMA Network sina Alden at Julie.

