top of page
SB19 at BINI PH - IG.jpg
Search

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | May 29, 2026



Sa mga nang-bully sa kanilang pamilya… ROB SY: NAWA’Y MAPATAWAD KAYO NI LORD

Photo: Rob Sy



Naglabas ng official statement ang aktor na si Rob Sy sa kanyang Facebook (FB) account na dismissed ang inihaing Child Abuse complaint sa Manila City Prosecutor’s Office ng aktor-pulitiko na si Alfred Vargas at ng kanyang asawang si Yasmine Vargas.


Matatandaang inakusahan nina Alfred at Yasmine sina Rob at partner nito ng diumano’y pagsasawalang-bahala sa kanilang reklamo na binu-bully ng anak ng huli ang kanilang 8-year-old na anak. 


Narito ang nilalaman ng statement ni Rob Sy:


“OFFICIAL STATEMENT — (On the Dismissal of the Child Abuse Complaint filed before the Manila City Prosecutor’s Office)


“Malugod po naming tinatanggap ang May 12, 2026 Resolution na inilabas ng Office of the City Prosecutor of Manila na nagbasura sa criminal complaint for alleged child abuse under R.A. 7610 na isinampa laban sa amin.


“Sa sampung (10) pahinang resolusyon, nakita ng Manila City Prosecutor's Office na walang sapat na ebidensya o prima facie case para kami ay makasuhan ng criminal, lalo na para magpakita ng anumang reasonable certainty of conviction sa korte. ‘Di po bully ang aming anak at sinisiguro po namin na s’ya ay aming pinapalaki nang maayos, at kung nagkakamali ay aming itinatama at dinidisiplina. Gaya ng maayos na pagpapalaki sa amin ng aming mga magulang, hangad din namin na mapalaki nang tama ang aming anak.


“Consistent po rito, tahasan ding sinabi sa Resolution na ang mga alegasyon ay ‘merely based on speculation,’ at muling pinagtibay ang isang pangunahing prinsipyo sa batas na ‘ang alegasyon ay ‘di ebidensya.’


“Mula pa lamang sa simula, nanindigan kami na ang reklamong ito ay isang kalkuladong ‘narrative reversal’ at isang pagtatangkang baliktarin ang tunay na pangkalahatang kuwento gamit ang media portrayals at emotional theatrics imbes na objective facts at totoong ebidensya.


“Sa kabila ng online hostility, cyberbullying, at maagang paghusga ng ilan na aming tiniis sa buong ordeal na ito, pinili naming ‘wag sumabay sa pampublikong drama.

“Sa halip, umasa kami sa tahimik ngunit matibay na bigat ng objective truth, verified clinical psychological evaluations, at institutional validation mula sa mga tamang awtoridad.

“Lubos ang aming pasasalamat sa Office of the City Prosecutor ng Maynila para sa patas, masusi, at objective nilang pag-evaluate sa mga ebidensya.


“Nagpapasalamat din kami sa aming mga pamilya, mga co-parents, at sa mga nagtestigo na lakas-loob na humarap nang kusang-loob sa Manila Prosecutor's Office para tahasang isalaysay at ipaliwanag ang kanilang mga nasaksihan. Malaking pasasalamat din sa aming mga swimming teams, mga nagmamahal na kaibigan, at lalo na sa aming abogado na si Atty. DJ Jimenez (The Pinoy Street Lawyer Official), na matatag na tumayo sa tabi ng aming pamilya lalo na sa anak namin. Salamat din sa mga grupo at indibiduwal na kahit ‘di namin personal na mga kakilala ay nagpaabot ng kanilang suporta at ‘di nagpadala sa anumang one-sided public narratives.


“Bagama’t nauunawaan namin sa paliwanag ng aming abogado na maaari pa itong iapela o humaba pa sa legal na proseso, ang dismissal o pagbabasura na ito ay isang mahalaga at kinakailangang vindication para sa aming pamilya, lalo na sa aming anak.


“Moving forward, ang ultimate goal namin ay tuluyang ma-‘fireproof’ ang aming anak mula sa epekto ng masakit na kabanatang ito. Ang absolute priority namin ay protektahan ang kanyang kapayapaan, emotional security, at overall well-being, at siguraduhing lalaki s’yang ligtas, matatag, at protektado ng katotohanan. Sa ibang mga menor-de-edad na nadamay, hangad namin na kayo ay maprotektahan at malagpasan ninyo ang anumang epekto ng mga pangyayaring ito na ‘di lamang na-confine sa loob ng City Prosecutor’s Office kundi lumabas at naging laman din ng pampublikong diskurso.


“Sa lahat ng ating nasa gobyerno na lehitimong nagsusulong ng anti-bullying, ‘di lamang dapat ito pang-pulitika kundi kailangang isabuhay. Public office is a public trust at ang pambu-bully sa mga bata, matanda, babae, lalaki, LGBTQ, may kakayahan man sa buhay o wala, pulitiko man o hindi ay hindi kailanman nagiging tama at maaaring mapatawan ng kaukulang parusa.


“Apela rin po at panalangin sa mga naunang nanghusga sa amin, na marahil nadala lang sa maling naratibo, nawa’y magsilbing aral sa inyo na ang bugso ng damdamin ay walang naidudulot na mabuti lalo na sa mga bata at menor-de-edad. Imbes na kampanya laban sa pambu-bully sa anumang paraan, tila kayo na ang naging bully sa inyong iresponsableng mga pahayag at mga direktang pananakot sa amin.


“Nawa’y mapatawad kayo ng nasa Itaas at gaya ng lagi naming sinasabi mula pa noong simula, ang Panginoong Diyos ang aming ultimate protector.


“God bless us all po. Madamo gid nga salamat! (Maraming salamat) #PraiseBeToGod #TheTruthPrevailed #ROBSY.”


Bukas ang BULGAR sa panig ni Konsehal Alfred Vargas.





BLIND ITEM:

AWARE kaya ang baguhang singer na ginagaya ang boses nina Maki, Cup of Joe (COJ) at iba pang paus-pausan na sintunado siya?


Nagtataka lang kami kung bakit panay ang post ng baguhang singer sa social media ng mga performances niya gayung sintunado naman at hindi ba siya sinabihan ng mga ka-banda niya pagkatapos ng production number nila?


Baka naman nagpapapansin ang baguhang singer sa Viva Records, Star Music, UMG o Tarsier at ang bagong CAT records?


Anyway, siguro ay need pang magpraktis ng baguhang singer para hindi siya mapulaan ng mga makakapanood ng video niya.


May hitsura kahit paano ang baguhang singer at kapag sumikat ang kanta niya, posibleng pagkaguluhan din siya ng mga fans.


Sa kasalukuyan ay walang regular gig ang baguhang singer. Parang isinasama-sama lang siya ng mga kaibigan niya sa industriya para masanay at mapansin siya, at napansin naman namin, sintunado nga lang.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page