top of page
Gary V. - IG.jpg
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | October 21, 2023


Gumulong ang usap-usapan sa social media sa pag-push na gawing National Artist si Asia’s Songbird Regine Velasquez. Sunud-sunod kasi ang mga parangal na natatanggap niya ngayon.


Narito ang mga nakalap namin na comments sa Twitter na nagpu-push na maging National Artist si Regine.


“Nakakatuwa na madami nang tribute ang ibinigay sa kanya habang active pa. Naipapadama sa kanya ang appreciation sa mga ambag niya sa industriya.”


“Sa tindi ng cultural impact ni Regine, deserve niyang maging NATIONAL ARTIST. GAWIN N'YO NANG NATIONAL ARTIST SI REGINE VELASQUEZ!!”


“Opisyal kong ineendorso na MAPASAMA NA SA NATIONAL ARTIST si REGINE VELASQUEZ.


Impact n'ya rin kagabi!!! #PasayIsPink


May mga nagsasabi pang huwag na raw hintaying tumanda at pumanaw si Regine bago gawing National Artist.


Pero ang tanong naman ng ibang netizens, meron bang nag-nominate kay Regine para maging National Artist awardee sa NCCA (National Commission for Culture and the Arts)?


'Yan kasi dapat ang unang step dahil ang NCCA ang naatasan ng gobyerno na magpasa ng mga rekomendasyon para hiranging National Artist.


O, hala, mga Reginians, mag-submit na kayo ng recommendation sa NCCA para sa inyong idolo.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page