ni Nitz Miralles - @Bida | July 27, 2021

May kapalit daw na project ang pagra-rant ni Sheryl sa pagkaka-bypass sa kanya ng isang award-giving body at hindi pagkakasali sa mga nominado. Hanggang ngayon, hindi pa rin binabanggit ni Sheryl kung ano'ng award-giving body ito.
‘Katawa lang ang comment ng mga Kapuso fans na mag-iingat daw sina Jillian Ward, Sofia Pablo, at Althea Ablan dahil baka agawin sa kanila ng karakter ni Sheryl ang kanilang ka-love team.
Sa Magkaagaw kasi, inakit at inagaw ni Veron (Sheryl) si Jio (Jeric Gonzales) sa asawa nitong si Clarisse (Klea Pineda).
And speaking of Jeric, tuloy ang pagiging sweet nila ni Sheryl at feeling ng mga fans, sila na.
Ipinost ni Sheryl sa Instagram ang mga pasalubong sa kanya ni Jeric galing sa bakasyon sa Baguio. May raisin bread, bottled pastries, fruits, vegetables at pati halaman. May Starbucks coffee mug si Sheryl na may pangalan nila ni Jeric.
Ang caption ni Sheryl sa kanyang post ay: “Kilig to the Bones #PasalubongFromBaguio #ThankYou #LoveYou #blessedandgrateful.”
Ayan, ha, may pa-"love you" na ang HT ni Sheryl kay Jeric.

