AYAW NAMANG MAGPAKASAL
ni Nitz Miralles - @Bida | September 15, 2021

Na-miss na nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ang isa’t isa, at dahil malayo ang aktor at ang GF naman ay nasa locked-in taping ng Love. Die. Repeat, sa Instagram muna nila ipinaramdam ang pagka-miss sa isa’t isa.
Nag-post kasi si Jennylyn na nasa taping siya at nag-comment si Dennis ng “I miss you, my love,” na sinagot ni Jennylyn ng “I miss you more.” Ayun, kinilig na ang mga nakabasa at may nag-suggest pa nga na magpakasal na silang dalawa.
Samantala, may post si Erik Matti tungkol sa On The Job: The Missing 8 at kay Dennis at tiyak na alam na ito ng aktor.
“We were told there could have been two Volpi Cups. @johnarcilla and @dennistrillo could have been on stage for the same award. Both did an exemplary job.
"Witness the lives of Roman Rubio (Dennis) and Sisoy Salas (John Arcilla) as their lives intertwine on the last 3-episodes of #OnTheJobtheseries.”
So, tama ang nasulat na sinabihan si Dennis ng award-winning director ng Parasite na si Bong Hoon-jo na “You were so great.”
Ipinost din ni Direk Erik ang international poster ng movie para sa next leg of festivals na sasalihan ng OTJ. Nabanggit din ni Direk Erik na coming sa HBO Max ang movie para mas marami pa ang makapanood.
'Kaaliw naman si Dennis dahil consistent sa pagtawag ng “Tito Bong” sa award-winning Korean director ng Parasite na si Bong Hoon-jo. Binati niya ito ng “Happy Birthday Tito Bong.”
And speaking of Dennis, natuwa ang mga viewers ng Legal Wives sa karakter niyang si Ismael na pakakasalan si Farrah (Bianca Umali) para lang hindi mapahiya dahil nabuntis matapos ma-rape. Pati ang ipinagbubuntis ni Farrah, inako ni Ismael at sinabi sa kanyang pamilya na kanyang anak.

