top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg
Search

Julie Bonifacio - @Winner | May 11, 2021




May kani-kanyang pagbati at mensahe ang mga sikat na celebrities para sa kanilang equally-famous mothers on their respective social media accounts.


Unahin na natin ang It’s Showtime host na si Vice Ganda na idinaan sa pagba-vlog sa kanyang YouTube channel na may pamagat na #MakeUrNanayHappyChallenge ang pagbati sa kanyang ina.


Bungad ni Vice, may isang buwan na raw niyang hindi nakikita ang kanyang nanay simula nu’ng ideklara ulit ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR.


Hindi raw siya nakakadalaw sa kanyang ina and vice-versa para matiyak daw na safe silang pareho, lalung-lalo na ang kanyang ina.


“Kasi ako, I go out. I go to ABS-CBN to work. So, nae-expose ako. Ayaw kong ma-expose ang nanay ko. Kaya hindi ko muna siya mini-meet o kinikita o pinapapunta rito. Usually kasi, ‘pag Linggo, nagsu-swimming siya rito,” kuwento ni Vice.


Kaya raw bigla niyang na-miss ang kanyang ina few days before Mother’s Day. Although, halos araw-araw naman daw ay magka-text sila at nagkakausap over the phone.


Dahil d’yan, he made an effort to make her nanay happy. Nag-order si Vice online ng strawberry shortcake, salad, pasta, pizza, chicken at 99 red roses!


Nagulat siyempre ang ina ni Vice na si Mrs. Rosario Viceral. Hindi nagkamali si Vice sa mga inorder niya online para mapasaya ang kanyang ina.


Natuwa ang ina ng Kapamilya TV host especially sa 99 roses. At pagkatapos, binasa ng niece ni Vice ang message ng TV host na nasa malaking TV screen sa bahay ni Mrs. Rosario.


“Today I just felt that I terribly missed you. Though we're not together I still wanna make you happy. Hope this simple 'lambing' makes you smile. I love you, Nanay!"


Hindi lang ang ina ni Vice ang na-touched sa paandar niya for his mom.


“Naiyak naman ako. Ramdam ko 'yung pagka-miss ni Vice kay Nanay. Sana, magkita na sila soon," sabi ng isang netizen.


Samantala, emosyonal pa rin ang Kapamilya singer at isa sa mga hurado sa It’s Showtime na si Angeline Quinto sa pag-alala sa kanyang yumaong ina na kilala bilang si Mama Bob nitong Mother’s Day.


“Happy Mother's Day Mama Bob. Miss na miss kita araw-araw. Ang pinakamahal ko habang buhay. Ikaw palagi ang ipinagpapasalamat ko sa Panginoon, Ma. I love you very much, Mama Bob. Payakap at pa-kiss Ma. Happy Mother's Day po sa lahat ng mga nanay,” mensahe ni Angeline.


Ilan lang sila sa mga sikat na celebs natin na may “paandar” na pagbati sa kanilang mahal na ina nitong Mother’s Day.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page