top of page
Search

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 27, 2020


ree

Ayon kay Regine Velasquez, hindi siya nagsisisi sa ginawa niyang desisyong umalis sa GMA-7 at lumipat sa ABS-CBN.


“Not at all. Kapag nga tinatanong ako, ‘Do you regret it?’ I don't. I will never regret anything,” pahayag ng Asia’s Songbird sa kanyang panayam with G3 San Diego sa #LiveWithG3.


“It was my decision to go back to ABS, because I wanted to experience something else, something new. I wanted to work with the people that I used to work with before but was not able to anymore because of the whole GMA-ABS thing. I just wanted to experience that,” dagdag ni Regine.


As we all know ay kalilipat lang ni Regine sa ABS-CBN. She transferred in 2018 at heto nga’t bigla namang nangyari this year ang hindi inaasahang pagsasara ng network.

Pero sobrang thankful siya na nagawa niya sa ABS-CBN ang na-miss niya noong gawin which is singing.


“Before the pandemic, I was able to experience it naman, eh. Ang dami kong nagawa before, hindi na nga naibigay 'yung renewal ng ABS, marami naman akong nagawa. Also, in a way, parang nabuhayan ako ulit kasi first of all, I was singing, parang na-maximize ulit ang pagiging singer ko because I was doing ASAP every single week. Like in one show, I would sometimes have three numbers. So, that’s a lot. And I was so looking forward to performing every Sunday,” aniya.


Sobrang nag-enjoy daw siya doing A.S.A.P. at kahit ngayong wala na sila sa free TV ay nag-i-enjoy pa rin naman siya since may A.S.A.P. pa naman na napapanood ngayon sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live.


"When I came back to ABS-CBN, I was given A.S.A.P.. I became part of this whole family na in the beginning, I thought I would have a hard time, but then they just welcomed me with open arms. Everybody just welcomed me and I had a wonderful time.


“I am still having a wonderful time even though wala na kami sa free TV. But whenever we see each other and kapag magte-taping kami or magla-live kami, we are just so happy to be back on stage and to be able to sing to each other. It's a wonderful feeling,” sey ni Songbird.

 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | September 4, 2020


ree


Umamin si Angel Locsin na nanghinayang siya sa desisyon ng ABS-CBN na itigil na ang shooting ng pelikulang Darna ni Jane de Leon na idinidirek ni Jerrold Tarog produced ng Star Cinema dahil sa Covid-19 pandemic.


Para kay Gel na kinikilala ng lahat bilang si Darna sa tunay na buhay at nananatiling siya pa rin ang gusto ng lahat para gumanap sa karakter ay timing sanang ipalabas si Darna sa panahon ngayon para may nilu-look-up tayong hero/heroine.

Nakapanayam si Angel ng movie writer na si G3 San Diego sa #LivewithG3.


Sabi ng aktres, “Nanghihinayang ako. Sayang kasi ‘yung panahon ngayon, panahon na kailangan natin ng hero. Maganda sana especially sa mga kabataan na meron tayong someone na tinitingala natin. ‘Yung merong makakapagligtas sa atin sa lahat ng mga pinagdaraanan natin. Sayang ‘yung pagkakataon.”


Dagdag pa niya, “Tama naman ‘yung decision for safety ng lahat. May pandemya, so kailangan nating sumunod sa protocol.”


Naniniwala naman si Angel na matutuloy pa rin ang pelikulang Darna sa tamang panahon at nananatili itong nasa puso ng bawat Pilipino.


“Nandiyan na noon pa man. Hindi siya nawawala. Sabi nga nila, ang bato ni Darna, patuloy na nagniningning 'yan at pupunta 'yan sa taong karapat-dapat. Huwag po kayong mag-alala, babalik si Darna,” paniniguro ng aktres.


Inihayag kamakailan ng ABS-CBN ang pagpapahinto sa shooting ng Darna na sinimulan noong Enero 19 at nagtapos noong Marso 7 na base sa post ni Direk Jerrold ay 15 days pa lang ang nakukunan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page