ni Nitz Miralles @Bida | March 17, 2024

Photo: Kim Chiu / IG
Naaliw kami sa comment ng isang netizen na “Ang sinayang ni Xian” nang mapanood ang ad (advertisement) campaign ng Belo Beauty ni Kim Chiu para sa Belo V Contour Ultra na kanyang ine-endorse. Ang sexy ni Kim sa ad campaign at dahil single, mas free at confident siyang ilabas ang kaseksihan.
Ang caption ni Kim sa kanyang post ay patungkol sa “bagong Kim” at ang sabi, “Every headline tells a story. The past is what they all think about- but for me? I’m in my new era. #BeloVContourUltra: Better, faster, and more powerful than ever before. Contour, rejuvenate, and smoothen. Own your story with @belobeauty and V-Contour Ultra, the new era of face and body contouring. Put that in your headlines.
Mga comments na, “Grabe, ang hot mo, Kimmy,” “Nagliliyab,” “Ang higanti kay Xian Lim,” “Slay,” “The sexiest” at “You are on fire” ang mga mababasa sa comment box ng Instagram ni Kim.
May nag-comment pa na parang kahawig ni Xian Lim ang kasama ni Kim sa ad campaign at may mga nag-agree dahil siguro sa body built, jawline at height. Bale ba, hindi masyadong ipinakita ang mukha ng guy, kaya inakalang si Xian ‘yun.
May mga netizens na nagsasabing may magseselos sa Belo ad na ito ni Kim. Noong una, ayaw banggitin ang pangalan. Later on, binanggit din ang pangalan ni Paulo Avelino. May nagbiro pa nga ng “Pau, relax ka lang po diyan, hah, trabaho lang po ito.”

