ni Nitz Miralles @Bida | February 4, 2026

Photo: IG _whianwamos
May negative at may positive na comment sa post ng mom ni Rhian Ramos patungkol sa isyung kinasasangkutan ng anak at nina Samantha Panlilio at Michelle Dee (MMD).
Sabi ni Clara, “I don’t understand VACC’s support for a lying thief. Nagpa-interview pa left and right, dishing out unverified information. It has helped fuel this social media frenzy, leaving the ones stolen from and betrayed to be victimized even more by depraved imaginations with stories morphing like cancer.
“Watching the internet tear my daughter apart for things she didn’t do. She doesn’t deserve this. Sure, through the years we know bashers will bash, but this? This is brutal, and whoever’s running this show is sick.”
May naintriga sa last line ng post ng mom ni Rhian na “Whoever’s running this show is sick.”
Maaalalang may nag-comment na ang fish emojis na ipinost ni Rhian ay ‘something fishy’ ang ibig sabihin. May ilang mga netizens na may ganitong paniwala at pinag-iingat ang tatlong babae dahil malaking tao raw ang kalaban nila. Tapos, heto ang mom ni Rhian at may ganoon ding paniniwala kaya lalo tuloy naintriga ang mga tao.
Anyway, patuloy ang pagpapahayag ng suporta ng mga fans kay Rhian Ramos. Hindi raw nila ito iiwan at kasama sila sa mga nagdarasal na maagang matapos ang imbestigasyon.
Sampahan na rin ng kaso ang dapat sampahan at may pa-hashtag pa ang mga fans na #JusticeForRhianMMDandSam.
Ang comment ng netizen na: “Ngek! Anak ni Carla ay aso,” sa post ni Carla Abellana ang nagpa-trigger ng galit ng mga fur moms na gaya ng aktres na may fur babies dahil para bang diring-diri ito.
Habang galit ang mga furmoms, si Carla naman, masaya na isine-celebrate ang birthday ng isa niyang fur baby.
Sa mga photos na ipinost sa socmed (social media) ay karga nito ang isa sa kanyang mga fur babies at may caption na: “It’s the baby girl Bubbly’s 13th Birthday today!!!” at may photo pa na may cake si Bubbly.
Sa dami ng nag-wish ng happy birthday kay Bubbly, isa lang ang hindi naka-relate at nag-comment na ipinag-react ng mga fur parents. Inaway ang commenter dahil wala raw nakakatawa sa post ni Carla at sa dami ng umalma, hindi na ito nakahirit.
Sinabi naman ni Carla na gusto nilang magkaanak ng husband niyang si Dr. Reginald Santos. Bagong kasal lang sila kaya abang-abang lang ang basher dahil magkaka-baby din ang aktres at ang mister nito.
Speaking of Carla, nag-post ito ng, “Hello! Just to put it out there, I am not on leave nor will I be on leave anytime soon. I am ready for work anytime. Ehem, ehem…. Looking and waiting for work.”
Akala namin ay kasama siya sa cast ng Apoy sa Dugo (ASD) at sila ni Ashley Ortega ang mga bida, pero sa teaser na ipinapakita ng GMA-7, sina Ashley at Elle Villanueva ang mga lead actresses. Siguro naman ay may project ang Kapuso Network para sa kanya.
Kamamatay lang ng madir…
CLAUDINE, NAG-GOODBYE SA FB POST, FANS KINABAHAN
PINAKABA ni Claudine Barretto ang mga nakabasa sa Facebook (FB) post niyang “Goodbye & Thank you everyone” na may prayer emoji pa.
Marami ang nagtanong kung bakit ganito ang post ni Claudine, pero wala siyang sagot sa mga nag-react.
Comment ng isang fan, she’s just a phone call away.
Mensahe nito, “Please hold on to your FAITH. God loves you. I asked my angels to protect you.”
Sabi ng isa, “Stay strong and keep your faith, idol (Claudine). We’re all here for you,” at “Ate Clau, ano’ng goodbye? Please, Ate Clau, kumapit ka lang kay God. Magpakatatag ka, ‘di lang para sa sarili mo kundi para sa mga anak mo at sa mga taong nagpapahalaga at nagmamahal sa ‘yo.”
May nag-comment pa ng “Laban lang, ‘Te, you are so blessed.”
Tanong pa ng isa ay kung ano ang nangyari at bakit nagpapaalam siya.
May nagpaalala rin sa kanya na ipinangako niya sa mom niya na magiging okay siya. Kailangan daw siya ng kanyang mga anak kaya huwag siyang magpapaalam.
Anyway, wala naman sigurong masamang iniisip si Claudine Barretto lalo na’t kamamatay lang ng mom niya. Saka mahal niya ang mga anak at hindi niya iiwan ang mga ito.




