top of page
Pokwang.jpg
Search

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 19, 2020




Nangingiti na lang si Julia Montes nang mabasa ang mga komento ng mga netizens sa post niya sa Instagram kung saan kitang-kita ang suot niyang singsing.


Caption ni Julia sa kanyang post: “Missing your family? You can simply cook something that will remind you of them … para kahit malayo sila, parang kasama mo pa rin sa hapag kainan #JuliaM.”


Pero hindi ang paghahanda niya ng food habang nasa mesa ang pinansin kundi ang suot na singsing ng aktres.


Espekulasyon ng mga netizens, engagement ring 'yun na bigay ni Coco Martin bagama't never pa naman nilang inamin ang relasyon nila kahit nga napabalita nang may anak na sila.


Na-mention pa ng ilang netizens na matagal na raw suut-suot ni Julia ang nasabing singsing.


Pero, kumontra naman ang isang netizen. Aniya, kailan lang daw ibinigay 'yun ni Coco, nu'ng magbakasyon sila ni Julia sa Balesin Island sa Polillo, Quezon last October kahit may pandemic pa.


“Baka 'yan ang bigay ni Deng (palayaw ni Coco) noon. Sa Balesin ang balita na nag-propose si Coco,” sey ng netizen.


Dinedma lang naman ni Julia ang isyu tungkol sa singsing at limitado ang ina-allow niyang komentong pumapasok sa kanyang IG post.


Samantala, may nagsingit naman ng pangalan ni Yassi Pressman na leading lady ni Coco sa Ang Probinsyano.


“Papa'no 'yan, malapit nang ma-out si Yassi sa paningin ni Coco, dahil pinaglalayo na sila sa AP para mapasok na ang character ni Julia,” ang sabi ng isang malapit sa rumored celebrity couple.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page