top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j
Search

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 15, 2020



MATAPOS MAMBATIKOS NI ROQUE, SIYA NAMAN ANG NABATIKOS—Matapos batikusin ni Presidential spokesman Harry Roque ang oposisyon dahil gawa-gawa lang daw nito “#NasaanAngPangulo”, siya naman ang nakatikim ng batikos mula sa publiko.

Habang nagte-trending sa social media ang #CagayanNeedsHelp at #IsabelaNeedsHelp at nananawagan sa national gov’t. ang mga taga-Cagayan at Isabela dahil maraming kababayan nila ang na-trap sa rumaragasang tubig-baha mula sa kabundukan dulot ng Bagyong “Ulysses” ay nag-post si Roque sa kanyang Facebook account na sobrang happy niya habang kumakain ng hapunan kasama ang kanyang misis, boom!

◘◘◘

NAG-TRENDING NA #CAGAYAN/ISABELANEEDSHELP, BAKA IBINTANG NA NAMAN NI ROQUE SA OPOSISYON—Ang nag-post at nagpa-trending sa social media ng #CagayanNeedsHelp at #IsabelaNeedsHelp ay mga residenteng apektado ng baha sa dalawang lalawigang ito.

Naku, huwag magkamali si Roque na gawan ito ng intriga at ibato na naman sa oposisyon kasi kapag nagtaklesa na naman siya at isisi ang mga hashtag sa “dilawan”, malamang ay lalo siya makakatikim ng batikos sa publiko, period!

◘◘◘

P-DUTERTE, PALIPARIN NA ANG MGA HELICOPTERS PATUNGONG CAGAYAN AT ISABELA, DALI!—Hindi na kaya ng mga rubber boats ng coast guard ang pag-rescue sa mga na-trap sa baha na mga taga-Cagayan at Isabela na halos limang araw nang nasa bubong ng kanilang bahay, dahil mistulang parte na ng Pacific Ocean ang dalawang lalawigang ito.

Ang kailangang gamiting pang-rescue na ay mga helicopters ng Philippine Airforce (PAF), Philippine National Police (PNP) at choppers na nakatalaga sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

O, ano pa wait mo, Pres. Duterte, aksiyon na, paliparin na ang mga helicopters para i-rescue mga kababayang na-trap sa baha sa Cagayan at Isabela, dali!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page