top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | November 20, 2021





Nasa news na naman si Paolo Contis dahil itinag si Yen Santos sa post niya sa IG Stories na “Pssst... good morning" at sa left side ng kanyang post, makikita ang “YS” na para sa mga netizens, si Yen ang binati ng aktor.


Kasunod ito ng post na parang sinagot ni Paolo at IG Stories din ni Yen tungkol sa floss at sumunod ang post ni Paolo na nagsuklay siya, pero hindi nag-floss.


Ikinonek ‘yun ng mga netizens at ang sabi pa nga, sa IG Stories na lang ang communication nina Paolo at Yen.


Anyway, pinakilig ni Paolo ang mga fans nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara nang i-post ang photo na sweet ang magka-love team sa I Left My Heart in Sorsogon kahit off-cam.


Nakahiga si Mavy sa folding bed at nasa ulunan niya sa the same folding bed si Kyline.


Ang hashtag ni Paolo sa photo ay #ILeftMyHeAROTinSorsogon at ang emphasis ay sa salitang “harot.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page