ni Fely Ng - @Bulgarific | August 15, 2021

Hello, Bulgarians! Alam nating isa ang Pilipinas sa bansa sa Asya na may masiglang ekonomiya kung saan naitala ang average 6.3 porsiyento sa GDP sa nakalipas na 10 taon bago nanalasa ang pandemya nitong 2019.
Hindi maikakailanh lubhang apektado ang ekonomiya dahil sa krisis na tumama hindi lamang sa bansa bagkus sa buong mundo, naitala ng Department of Health (DOH) ang mahigit 1.6 milyong kaso ng COVID-19 sa kasalukuyan.
Balik sa lockdown ang ilang lugar sa Metro Manila, Cebu, at Davao bilang bahagi sa isinusulong na programa ng pamahalaan upang mapigilan ang pagdami ng COVID-19 cases, at maiwasan ang hawaan sa mga komunidad.
Tulong sa hamon ng pagsubok
Batay sa sinumpaang misyon ng kompanya na maibigay ang pangangailangan ng sambayanan sa aspeto ng kalusugan, inilunsad ng Orient EuroPharma Philippines (OEPP) -- gumagawa ng mga makabago, de-kalidad at murang produkto at gamot para sa cardiovascular, metabolic, at respiratory infections -- ang malawakang programa para tulungan ang sektor ng kalusugan para malabanan ang pandemya sa bansa.
Sa pamamagitan ng #HOPE (Helping Our Patients Every day), namahagi ang OEP ng Erdosteine sa medical facilities ng pamahalaan na kumakalinga sa mga pasyente na tinamaan ng COVID-19 virus.
Ang Erdosteine ay ‘mucolytic’ na ginagamit para magamot ang mga pasyente na may acute at chronic bronchitis. Dumaan sa mahabang pag-aaral at clinical trials ang naturang gamot na nagagamit para labanan ang karamdaman na Chronic obstructive pulmonary disease (COPD).
Ginagamit din ang Erdosteine sa mga pagamutan para sa mabilis na recovery ng mga pasyente na naospital dahil sa COVID-related pneumonia at severe respiratory failure, ayon sa pag-aaral ng Multidisciplinary Respiratory Medicine 2020 journal.
Target ng OEPP’s #HOPE na matulungan ang may 600 post-COVID-19 patients sa mga ospital ng pamahalaan kabilang ang Veterans Memorial Medical Center, the Philippine General Hospital Section of Pulmonology, at Quirino Memorial Medical Center.
"As we create more plans to help the people amid the global health crisis, we hope that this small donation initiative we did can have a huge impact on the patients' lives. This initiative is also our way of giving back to the community and supporting the Filipino patients afflicted with this deadly disease," pahayag ni Sharon Ibay, Product Manager.
Itinatag noong 1982, ang OEP ay matatag na multinational pharmaceutical company. Taglay ng kompanya ang kahusayan pagdating sa pharmaceutical innovation, R&D, manufacturing, sales, at clinical trials.
Para sa karagdagang impormasyon at detalye, bisitahin ang Orient EuroPharma sa https://www.oepgroup.com/en-global.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

