top of page
Search

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | December 22, 2022



ree

Nagkagulo ang mga fans ni Kim Chiu sa larawan na ipinost ng ABS-CBN kung saan ay makikita ang mga Kapamilya leading ladies with Kapamilya bosses na sina Gabby Lopez and Carlo Katigbak. Kuha ito sa katatapos lamang na ABS-CBN Christmas Special 2022.


“LOOK: The stunning #Kapamilya leading ladies with ABS-CBN's big bosses,” ang caption ng photo.


Makikita sa larawan na nasa gitna sa front sina Sue Ramirez, Lovi Poe, Kim Chiu and Janine Gutierrez. Sa likuran naman nila ay ang dalawang ABS-CBN bosses kasama sina Kathryn Bernardo and Julia Montes.


Natuwa ang mga fans ni Kim na nasa gitna ang kanilang idolo habang ang mga tagahanga naman nina Julia and Kathryn ay naloka dahil dapat daw ay nasa gitna rin ang dalawa sa unahan.


“TBH (to be honest), dapat, Julia M, Kath and Kim Chiu sa gitna,” komento ng isang netizen.


May sumagot naman ng “True! Bakit inilagay sila sa likod? Dapat sa likod sina Lovi and Janine.”


Nagpasalamat naman ang mga fans ni Kim sa importansiyang ibinigay sa aktres.


“Finally, nasa CENTER at FOCAL point si Kim @prinsesachinita Dapat lang naman considering her years and stature at @ABSCBN & @starmagicphils.


“Salamat naman, binigyan n'yo rin ng karampatang importansiya si Kim. Truly deserving to be the QUEEN of @starmagicphils. Thank you po ulit,” tweet ng isang fan ni Kim.


Komento naman ng isa pang supporter, “We are not trying to be nega here pero this is not the first time na rin kasi. Medyo sensitive rin ako pagdating sa mga ganito kasi unfair talaga for her knowing her contributions to the network. Homegrown pa 'yan, ha? Kim Chiu wasn't called the Teleserye Princess for nothing.”


Nabasa naman ni Kim ang komentong ito at ini-retweet niya kasama ng kanyang sagot.


“It is what it is,” ang maikling reply ni Kim.


Kasunod nito ay nagbigay na ang aktres ng paglilinaw tungkol sa reklamo ng mga fans na nu’ng mga nakaraang taon ay lagi siyang nasa likuran.


Ayon kay Kim ay hindi naman importante ang billing sa kanya at hindi rin naman daw lalaki ang talent fee niya.


“I think billing is not as important, 'di rin naman lalaki TF mo if ikaw 'yung una, huli or gitna.


Basta't may trabaho ako, okay na po ako ru'n. Salamat sa ABS-CBN sa mga opportunities na ibinibigay nila sa akin. Kahit saan nila ako ilagay, okay lang naman po sa akin. Still #grateful,” ang paglilinaw ni Kim.

Pinuri naman siya ng isang fan sa pagiging humble, pero may hugot pa rin.


“You have remained humble kaya ka pinagpapala. But sana naman, 'di abusuhin ng mga tao ang kagandahan ng iyong puso. Basta kaming mga fans mo at casual viewers, alam namin ang TUNAY MONG TRONO. Sana lang, MAS PAHALAGAHAN ka pa nila,” komento ng fan.


Sinagot ito ni Kim at aniya, “Let's see how far long I can……”


Marami ang nag-isip sa sagot na ito ni Kim. Ano raw kaya ang ibig sabihin dito ng aktres?


 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 1, 2022


ree

Matapos umalis ng bansa para magpagamot sa USA noong nakaraang buwan, nagbigay ng update si Kris Aquino sa kanyang Instagram page kahapon tungkol sa kanyang kalusugan.


Nag-post siya ng isang video ng collage of photos kung saan ay makikitang sumasailalim siya sa iba’t ibang medical procedures tulad ng blood extraction and COVID-19 tests.

Makikita rin sa video na mas pumayat pa ngayon si Kris kaysa noong huling post niya bago umalis ng bansa.


Sa caption ay pansamantalang namaalam si Kris sa kanyang mga followers at saka na lang daw siya babalik sa social media kapag may good news na.


“For now, 12 noon, June 29, 2022 where we are-this is what I felt you needed to know, straight from me para alam ng lahat ito ang totoo.


“This isn’t a permanent goodbye, ibalato n'yo na lang hanggang malagpasan namin itong matinding pagsubok. Thank you for all your prayers- I am forever #grateful.


“Promise, 'pag may good news ako, after thanking God & telling my sisters & my trusted friends- you’ll see a post from me. In God’s perfect timing…” ang pahayag ni Kris.


Sa dulo ng video ay may open letter si Kris para sa yumaong kapatid na si former President Noynoy Aquino. Binati niya ito sa kaarawan nito at idinetalye niya ang kanyang mga nararamdaman kabilang na ang kanyang health condition.


Dito rin niya ibinalita na nagpositibo silang mag-iina sa COVID-19.


“Kuya Josh tested positive for [COVID-19] on June 20. Nurse took his temperature then they got antigen kits, tested him first because he was so unlike himself. He was just lying down, on the sofa, no energy to play or watch YouTube on his phone,” kuwento ni Kris.


Natutulog daw siya nang mga oras na ‘yun at ginising lang siya ng nurse para nga sabihin sa kanya na nagpositibo si Joshua at pinahihiwalay sila ni Bimby ng tirahan para hindi na sila mahawa.


Kahit masakit sa kanya ay iniwan nila si Josh at lumipat ng hotel. May mga nag-aalaga namang nurse sa anak and assured her na masu-survive naman ito ng kanyang panganay.


Nagpa-test daw sila ni Bimby for COVID-19 at ang unang resulta ay negative naman. But after a few days ay sumama na rin ang kanyang pakiramdam. Nagpa-test ulit sila at nagpositibo na ang result.


Pero alam daw niyang makaka-survive silang mag-iina sa COVID-19 dahil sa panahong iyon ay death anniversary ni Noynoy.

“Since this was already your death anniversary, somehow I felt reassured knowing that the three of us would get through this new ordeal especially because you would never allow us to have a death date so close to yours,” sey ni Kris na obviously ay nagbibiro.


Sa kasalukuyan ay nagpapagaling pa silang mag-iina from COVID-19 at kapag COVID-free na raw siya ay saka sila magdedesisyon kung saang hospital siya magpapagamot para naman sa kanyang mga health issues.


Addressing her followers, ani Kris, “Ngayon alam n'yo na through my open letter to Noy - what Kuya Josh, Bimb and I must face in the next year and a half. . .


“Please know that I remain THANKFUL for all the concern and prayers you have sent our way BUT during very difficult times, I want to just keep the suffering to myself with only family & trusted friends kept informed on a ‘need to know basis’ because everyone else is also going through their own personal trials - ang hirap ng buhay para sa marami, nakakahiyang maging pabigat pa ‘ko.


“I know me, impossible na hindi ako umamin 'pag hirap na hirap na - so for now FOCUS tayo on ourselves... we all have problems, we all have worries, and we all have hardships.


“God bless us all. Until our REUNION…” ang pagtatapos ni Kris.

 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | March 15, 2022


ree

Linggo nang gabi ay muling nagbigay ng update si Kris Aquino via Instagram post tungkol sa gagawin sa kanyang medical examination kung saan dinala siya sa St. Luke's Hospital sa Bonifacio Global City, Taguig.


Ayon kay Kris ay na-diagnose siya ng erosive gastritis at gastric ulcer after niyang sumailalim sa napakaraming tests tulad ng bone marrow aspiration na ginagawa para malaman kung meron siyang blood-related disorder.


Habang nasa hospital bed si Kris ay inilibot ang camera at kita sa video na kasama niya sa kuwarto ang mga taong mahal niya tulad siyempre ng dalawang anak na sina Joshua at Bimby. Nandu'n din ang aktres na si Angel Locsin na nakaalalay sa kanyang ‘ate.’

Kaya biniro ni Kris na ‘stage mother’ si Angel dahil sobrang asikaso nito pati ang dalawang anak niya.


Kuwento ni Kris, pagkatapos niyang sumailalim sa positron emission tomography (PET) scan, computerized tomography (CT) scan at upper endoscopy, idineklara ng doktor na walang tumor na nakita sa katawan niya.


Pero may erosive gastritis at gastric ulcer at bukod sa bone marrow aspiration, sumailalim din siya sa electrocardiogram (ECG) at 2D echo tests na ang pinakamagandang balita, ayon sa kanyang doktor, ay maganda ang heart condition niya.


Naiturok na rin ang second dose ng Xolair injection two weeks after ng first dose at maganda ang resulta.


At dahil kinunan siya ng fluid sa spine ay nakaramdam siya ng sakit dahil nga sumobra na ang payat niya at ramdam na buto na ‘yung nakatukod.


Aniya, “I won’t lie to you, there’s this parang nabugbog nang bongga feeling in my lower spine BUT apart from my medicinal limitations, halos wala na kasi akong fats to help ‘CUSHION’ my bones…


“Kaya EXAG (exaggerated) ang sakit, skin then diretso sa buto. Process and hit or miss para makahanap ng okay na puwesto ‘pag hihiga at kung uupo.


“I constantly remind myself: To keep thanking God since my current pain is temporary.


“Malalagpasan rin kaya bawal umangal, maraming mas malala ang pinagdadaanan at may hinihintay pang mga resulta kaya manahimik, magpasalamat at patuloy na magdasal.”


Hindi naman nalimutan ni Kris na pasalamatan ang kanyang mga loyal supporters na patuloy na nagmamahal at nagdarasal para sa agarang paggaling niya.


“Thank you to my friends, the lovable feeling both ‘stage mother’ and main character in Grey’s Anatomy, to both Kuya Josh (and) me, Angel (Locsin) Arce, and the feeling doktora (doctor) even though mommy niya (her mom) is the real MD, who was scolding me for not pressing the pain reliever auto release button kasi ayokong maging dependent, hindi ito test ng tapang, Anne Binay Alcantara,” say ni Kris


Sa pamamagitan ng art card, ikinuwento ni Kris ang update tungkol sa kanya.


Samantala, ang last post niya kahapon ay: "Nakauwi na kami… this was our last pic before heading to our temporary, leased home… maghihintay na lang for my bone marrow test results. Super blessed to have the LOVE and concern from these 2 giants, through them, ibinigay ni God so much more than I could ever deserve. #grateful #family."


Wala pa ring binanggit kung anong petsa ang alis ni Kris kasama ang mga anak at staff patungong Amerika para sa bukod nitong checkup.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page