ni Fely Ng - @Bulgarific | October 28, 2022

Hello, Bulgarians! Ngayong Oktubre 31, maghanda para sa isang pagdiriwang sa paborito mong SM mall. Mag-enjoy sa #FAMomentsAtSM isang Halloween costume contest, PAWrade para sa Super FurBabies, at i-grab ang mga super treat para sa lahat sa pinakahihintay na #SuperHalloweenAtSM2022.
Ang mga batang may edad 12 pababa ay maaaring sumali sa parada na nakasuot ng kanilang paboritong superhero, fantasy o nakakatakot na karakter. Gusto mong maging bayani, tulad ni Captain America, Spiderman, Wonder Woman o maging ang creepy-looking doll o scarecrow, welcome ka sa SM! Ipagmalaki ang iyong costume at manalo ng P5,000, P3,000 at P2,000 worth ng shopping money.
But wait—SuperMoms at SuperDads, maaari ring makilahok sa pagdiriwang ng Halloween! Planuhin ang iyong costume kasama ang buong squad at sumali sa Super Halloween Contest ngayong taon.
Simulan ang PAWty sa iyong Super FurBabies. Hindi lang mga anak ang magsasaya ngayong Halloween. Maging ang mga minamahal na alagang hayop ay maaari ring sumali sa pagdiriwang ng Super Halloween dahil binibigyan sila ng SM ng napakalaking howwl-o-ween pawty. Hayaan silang i-strut ang kanilang super festive garbs sa Super Furbabies Halloween PAWrade at manalo ng mga kapana-panabik na premyo! Ang top three pawsome furbabies ay mananalo ng P5,000, P3,000 at P2,000 worth ng shopping money mula sa SM. Napakadaling makasali sa lahat ng patimpalak, magparehistro online gamit ang P1,000 worth na SM tenant receipt mula sa alinmang SM mall.
Para sa mga trick or treaters out there, magkakaroon ng pagkakataong manalo ng loot bags, sa Oktubre 31, sa mga Transport Terminal’s Super Halloween Treats sa mga sumusunod na malls: North Terminal, SM Mall of Asia; Bus Bay Area, SM Megamall; Terminal A, SM City Fairview at sa The Block UV and Jeepney Terminal, SM North EDSA.
Para sa lahat ng mga nagpaplanong mag-host ng kanilang trick or treat, naghanda ang SM ng Super Halloween booth sa SM Store at Supermarket para mas madaling makapamili ng mga sweets at treat para sa iyong spook-tacular party kasama ang mga kaibigan, pamilya at minamahal na four-legged buddies.
Ang pagtatapos ng SuperMonth sa SM ay isang Super Charge 3-Day Sale mula Oktubre 28 hanggang 31! Punuin ang iyong cart at magkaroon ng mga kamangha-manghang diskwento at promo mula sa iyong mga paboritong brand sa SM. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa SM Supermalls, bisitahin ang www.smsupermalls.com o ang @smsupermalls sa lahat ng social media platforms.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

