ni Nitz Miralles @Bida | October 30, 2023

Muli naming narinig na kumanta si KC Concepcion sa Dear Heart concert ng parents niyang sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion at magtataka at magtatanong ka
kung bakit hindi niya pinursue ang maging singer o recording artist. Sumubok lang yatang maging recording artist si KC at bumitaw agad. Sayang!
Anyway, sa isa sa latest post ni KC sa Instagram, gamit nito ang photo na umiiyak si Sharon habang nakayakap at nasa balikat niya ang mukha. Nakatingin lang sa kanila si Gabby. Nakakaiyak ang eksenang ‘yun at tiyak, hindi na maaalis sa puso at isipan ni KC.
“Last night was a fairytale come true... Thank you Lord sa pagkakataong ito na ma-experience ang once-in-a-lifetime reunion ni Mama and Papa... Along with 25,000 of you live at the arena!
“Sorry for not sharing live updates last night. I savoured every second of the night that will forever be etched in my #DearHeart... Thank you all for your love!”
Masaya rin ang mga fans para kay KC na kahit for three hours, natupad ang wish niyang maging kumpleto ang kanyang pamilya. Nakakaiyak din ang pagso-sorry nina Gabby at Sharon na hindi nila naibigay kay KC ang pinangarap nitong complete family.
And speaking of Gabby, naaliw kami na ibinuking niya na nagkaroon ng conflict sina Sharon at KC sa sinabing “Ayan, bati na kayo.” Mabuti at hindi sumagot si KC na bati na rin ang Mama at Papa niya.
Nag-post din ang boyfriend ni KC na si Mike Wuethrich ng photo ng aktres kasama ang parents nito at may caption na “Answered Prayer” at may red heart emoji.
Naalala rin namin ang comment ni Sharon na hindi niya memoryado ang apelyido ng boyfriend ng anak.
‘Katuwa si Mega!

