top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg
Search

ni Julie Bonifacio - @Winner | September 16, 2021



Proud na ipinost ng La Vida Lena lead star na si Erich Gonzales ang mga larawan nu'ng nag-apply siya para sa kanyang voter's registration kamakailan.


This month na yata ang last registration ng mga 'di pa nakapagpa-register para makaboto sa 2022 national elections.


In-encourage rin ni Erich ang mga netizens na magpa-register at bumoto nang tama this coming election.


"Register and vote wisely! #BobotoAkoSa2022," caption ni Erich sa kanyang Instagram post.


Aba, dapat naman talaga na bumoto sa 2022 elections, especially ang mga ABS-CBN stars. Dito lang sila "makakaganti" sa mga nagpasara sa network nila, at nawala 'di lang ang trabaho kundi maging ang buhay nila noong ipasara ang ABS-CBN sa gitna ng pandemya.


Sa ngayon, isa si Erich sa mga Kapamilya stars na pinalad na magkaroon pa rin ng programa sa kanyang mother network, ang primetime teleserye na La Vida Lena.

Inaabangan na ang paglantad ng katotohanan sa kuwento at mga makapigil-hiningang eksena sa La Vida Lena kung saan kasama rin sina JC De Vera, Keith Thompson at marami pang iba.


Tutukan ang La Vida Lena mula Lunes hanggang Biyernes, 10:00 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, TV5, iWantTFC at TFC.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page