ni Beth Gelena @Bulgary Files | April 11, 2023

May post si Janice de Belen tungkol sa free taste at may kasama pa itong mga cryptic words talking about karma.
Ani Janice, "LAHAT NG FREE TASTE SA GROCERY, 'DI KO PINAPALAMPAS, PAKINABANGAN PA KAYA AKO LATER???"
Ito naman ang mga cryptic words sa naturang post, "Karma! No need for revenge. Just sit back and wait. Those who hurt you will eventually screw up themselves and if you are lucky, it will let you watch."
Komento ng isang netizen, "'Di siya maka-get-over. Saklap ng dinanas niya. Ginamit sa career, inanakan ng marami, tapos nu'ng tumaba, nilayasan."
Kahit na walang pangalan na binanggit ang aktres sa kanyang dalawang posts ay marami pa rin ang nag-assume na ang pinatatamaan niya sa 'free taste' ay ang ex-husband na si John Estrada, habang ang karma naman ay para sa pangalawa nitong asawa na si Priscilla Meirelles.
Kamakailan nga ay matatandaan na nasangkot sa kontrobersiya ang pagsasama ng dalawa. Pero, disagree naman ang mga netizens na para kay Priscilla raw ang karma dahil nu'ng dumating sa buhay ng aktor ang former beauty queen ay matagal nang hiwalay sina John at Janice.
At ang babaeng na-link daw noon kay John habang kasal pa siya kay Janice ay si Vanessa del Bianco at ito nga ang itinuturong naging rason sa hiwalayan ng dating mag-asawa.
Ilan pang komento ng mga netizens…
"Crush na crush ko siya nu'ng kasikatan niya, pero nu'ng nakabuwelo na sa showbiz, lumabas ang tunay na kulay. Ang ending 'yung babaeng ipinalit sa asawa ay hindi rin naman siya napanindigan."
"Baka in the end, wala nang pakinabang si guy sa hilig tumikim?"
"This is my girl… walang pa-hashtag."
"I can just imagine Madam Janice having the most satisfying last laugh!"
"She's successful and happier now without a serial womanizer who abandoned her."
"Tatay 'yan ng mga anak mo 'teh… 'Kala ko ba tapos na? I smell coffee grounds. #Bitter."
"It wasn't Priscilla who hurt her though, it was Vanessa. So, why would she post something like this? Hindi naman si Priscilla ang dapat makarma. Si Vanessa dapat."
"I think she meant si John ang nakarma."
"Tahimik lang si Janice noon sa cheating ni John. Priscilla was not, resbak kung resbak kay John at kabit in public. Janice must be enjoying it."
"Siguro, para kay John, palaban kasi wife niya. 'Di siguro siya umubra. Kumpara nu'ng time ni Janice, garapalan sina John at Vanessa nu'n."
"Tahimik si Janice noon kasi wala pang socmed. Now na meron na, oh, 'di ba?! Nagpaparinig na?
I love Janice, but I don't think she's referring her posts to Priscilla. If meron man, I'm sure it's directed to John kahit tatay pa 'yun ng mga anak niya."
"Obviously para sa ex-husband 'yung post at 'di kay Priscilla, lalo na 'yung free taste post.
Oh, 'yan, ha! 'Di na niya issue 'yang inilagay niya sa socmed niya. Wala lang socmed nu'ng panahon nila ni John. If meron, malamang marami rin 'yang patama kay Vanessa and tama lang, legal wives need to put mga kabit sa proper place nila. I remember, kainitan ng Vanessa and John issue, may pa-interview si Janice na sa school niya nag-show 'yung MTB and iniwasan daw siya ni Vanessa. Sabi ni Janice, 'Palibhasa guilty.'"
"In short, kahit losyang o maganda’t sexy ang misis, kung maloko ang mister, mambababae pa rin talaga."
"Cheaters don't change."

