ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 24, 2026

Photo:Shaira Diaz at EA Guzman - Instagram
Isa si Lea Salonga sa napakaraming Pinoy fans na nag-abang sa comeback concert ng K-Pop boy band na BTS na ginanap last March 21 sa Seoul, South Korea (SoKor).
Ipinalabas nang live sa Netflix ang nasabing concert at isa si Lea sa ‘Team Bahay’ na tawag sa mga ARMY (BTS fandom) na hindi nakapunta sa South Korea at sa bahay lang nanood.
Pero hindi sa bahay nanood si Lea kundi sa dressing room ng Esplanade - Theatres on the Bay sa Singapore (SG).
Ipinost ni Lea sa kanyang Instagram (IG) ang isang reel kung saan makikitang nanonood siya ng BTS concert habang nagpapa-make-up para sa kanyang Stage, Screen & Everything In Between concert tour in SG.
“Oh, in case you were wondering, I watched the @bts.bighitofficial comeback live on @netflix,” caption ni Lea.
Sa mga hindi aware, certified ARMY din ang Broadway Diva.
Isa pang ‘Team Bahay’ sa BTS concert ay ang isa pang ARMY na si Shaira Diaz.
Ipinost ng aktres sa Facebook (FB) ang reel niya habang nanonood sila ng mister niyang si Edgar Allan ‘EA’ Guzman ng concert sa kanilang kuwarto. Makikitang panay ang sigaw ni Shaira habang nanonood at napa- “Oh, my goshhh!” pa nang malakas.
“OH MY GOSHHHHH #BTSComeback ang lala! Ang pogi nilang lahat. Sobrang na-miss ng lahat,” caption niya.
Pati si EA ay naki-join na rin sa pagka-fan ng misis niya at naguwapuhan din sa miyembrong si Jung Kook na bias ni Shaira.
“Grabe naman kasi talaga, iba ‘yung visuals, eh. Pati asawa ko, guwapung-guwapo, eh,” caption ni Shaira Diaz sa isa pa niyang post habang nanonood sila ng asawa.
SA pagsasara ng digital variety show na iWant ASAP matapos ang 7 taon, naglabas ng madamdaming pamamaalam ang isa sa mga hosts na si Robi Domingo.
Halatang emosyonal ang TV host sa kanyang sign-off post dahil aniya, hindi lang ito basta show kundi naging parang pamilya na rin sa kanya.
“From the stage lights to the screens in your homes, what a journey it’s been.
“Today, we close a chapter that has been more than just a show to me; it’s been family, growth, and a constant reminder of what it means to be Kapamilya. From the early days of ASAP Chillout to what we became today, I’ve witnessed firsthand how love for music and each other can evolve, adapt, and endure,” pahayag ni Robi.
Kasunod nito ay nagpasalamat siya sa lahat ng mga nakasama niya sa nasabing digital counterpart ng ASAP variety show, gayundin sa kanilang mga supporters.
“To everyone behind the scenes, my fellow hosts, artists, and most especially to our viewers, thank you for letting us be part of your Sundays. This may be the end of this chapter, but the heart of being Kapamilya will always live on.
“Maraming salamat. Hanggang sa muli. This has been iWant ASAP,” mensahe ni Robi Domingo.
