ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 17, 2020
KUNG TOTOO NA LAHAT NG PINOY AY PABABAKUNAHAN NI P-DUTERTE LABAN SA COVID-19, GOOD NEWS ‘YAN—Kung dati ay hanggang 20 milyong Pinoy lang ang nais ng Duterte gov’t. na mabakunahan kapag may ibinebenta ng bakuna kontra COVID-19 dahil kapos sa pondo ang pamahalaan ay sa huling statement ni P-Duterte, ang gusto niya ay mabakunahan ang lahat ng Pinoy sa bansa.
Good news ‘yan kung totoo, pero kung press release lang ay bad kasi isang uri na naman ‘yan ng panloloko sa taumbayan, boom!
◘◘◘
ENGOT ANG DDS BLOGGER NA NAG-AKUSANG TERORISTA SI LIZA SOBERANO—Isang DDS blogger na nagngangalang Maui Becker ang nag-akusa sa aktres na si Liza Soberano na miyembro na raw ito ng New People’s Army (NPA) dahil nag-join ito sa online youth forum ng Gabriela partylist.
Halata na ang intensiyon ni Becker ay sumikat kaya inatake niya si Liza, pero sablay ang ginawang istayl para sumikat dahil sumikat siya sa kanyang kaengoyan kasi nag-join ang aktres sa pa-forum ng Gabriela partylist ay terorista na raw at dahil d’yan, ang resbak ng LizQuen ay tinatawag nilang engot ang DDS blogger na ito, boom!
◘◘◘
#BOYCOTTLIZASOBERANO, WALANG PATOL—Matapos i-red-tagged si Liza Soberano, ang kasunod nito ay pagpapa-trending ang DDS sa social media ng #BoycottLizaSoberano, kaya lang ay walang patol sa publiko ang panawagan ng mga DDS.
Kakaunti lang ang pumatol sa #BoycottLizaSoberano, dahil mas nag-trending ang #ProtectLizaSoberano, period!

