top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg
Search

ANG BIGAT NG PAKPAK


ni Nitz Miralles - @Bida | May 15, 2021




Inirampa na nga ni Miss Universe-Philippines Rabiya Mateo ang kanyang national costume na Philippine flag-inspired at gawa ng the late designer na si Rocky Gathercole.


Nag-trending ang #AribaRabiya sa Twitter at majority sa mga nabasa namin ay positive ang comments. Hayaan na natin ang nega comments, hindi 'yun makakatulong sa laban ni Rabiya sa Miss Universe.


Sa mga napanood naming Twitter videos ni Rabiya habang suot ang national costume at kinunan bago magsimula ang show, sabi nito, “I feel like I’m a Victoria’s Secret angel. I’m gonna fly,” saka tumawa.


Hinanap ang headpiece na dapat suot din ni Rabiya at gawa ng fashion designer at jewelry maker na si Manny Halasan, pero hindi ‘yun nasuot ng beauty queen.


Sa IG post ni Miss Universe-Philippines Creative Director Jonas Gaffud, mukhang hindi na kinaya ni Rabiya ang headpiece dahil mabigat ang costume nito. Ang wings pa lang daw ay 21 kilos na at naintindihan naman daw ni Manny Halasan kung hindi nairampa ni Rabiya ang gawa niyang headpiece.


Samantala, bukod kina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, may surprise video greetings din sa kanya si Kathryn Bernardo na kinakiligan ni Rabiya.


Sabi ni Kathryn kay Rabiya, “Hello, Rabiya. This is Kath, MJ (Lastimosa) told me that she will interview you so I just want to make it extra special by saying hi and by saying congratulations for everything that you’ve done. I know there’s a lot of pressure for the upcoming pageant but know that the whole Philippines, every Filipino will be cheering for you on that day.”


Sa Sunday (May 16) gaganapin ang Miss Universe, pero sa Lunes (May 17) na mapapanood dito sa atin, sa ABS-CBN.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page