ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | February 16, 2021

Nag-trending ang music video ng awiting Paubaya ni Moira Dela Torre na may title na #AngSakit na pinangunahan nina Joshua Garcia at Julia Barretto at pati mga co-actors nila ay ini-retweet ang ilang clips ng kanta.
Habang isinusulat namin ang balitang ito ay nasa 3.6 M na ang views ng music video simula nang i-post ito 10 hours ago.
Samantala, nasa mahigit 36 M views naman ang lyric video simula nang i-launch ito noong Oktubre, 2020.
Maging ang Unkabogable Star na si Vice Ganda ay nag-tweet din at aniya, “Grabe ‘yung Moira, oh, siya ang Rey Valera sa bagong milenyo!”
Going back to JoshLia, ang ganda ng opening ng music video kung saan mapapanood na ikinakasal silang dalawa at ang saya-saya ng binata habang tinatanong siya ng pari kung tatanggapin niya bilang asawa ang dalaga na kaagad nitong sinagot ng “I do.”
Nang si Julia na ang tinanong ay tumanggi ito at nagtatakbo palabas ng simbahan.
Takang-taka si Josh at napasandal na lang sa bangkong upuan sa simbahan at kasunod nito, ipinakita ang mga travels nila sa ibang bansa na siguradong maiisip talaga ng mga viewers na true-to-life ang video dahil pormal na nagpaalamanan ang dalawa.
Habang nakasandal si Josh ay bumalik si Julia at umiiyak.
Nang hinarap siya ni Joshua, saad ni Julia, “I’m sorry. I’m sorry Josh, I’m sorry napagod ako. I’m sorry nawala ako. Natakot ako kasi hindi kita mahanap noon. Ibinigay ko lahat, ibinigay ko sa ‘yo lahat. Naubos lang ako. I’m sorry nasaktan kita.”
Naluluha namang sagot ng binata, “Sorry, sorry kung wala ako nu’ng mga panahong kailangan mo ako. Sorry kung wala ako nu’ng kailangan mo ng makakapitan. Sorry kung hindi kita naprotektahan. Hindi man lang kita naprotektahan.”
Panay din ang pagluha ni Julia habang sinasabi ng dating katipan na, “Natakot ako, sobra. Pero gusto ko, nandu’n ako. Gusto ko, nandu’n ako nu’ng nasasaktan ka. Pero wala. Siguro, dahil alam ko na rin na, na hindi talaga tayo para sa isa’t isa.”
Sumang-ayon naman ang dalaga at aniya, “Sinubukan naman natin, ‘di ba? Nilabanan naman natin, ‘di ba?”
Sagot ni Josh, “Yeah. We tried, gusto kong mag-thank you sa ‘yo sa lahat ng memories na ibinigay mo sa akin. Hindi man natin nagawa ‘yung mga pangarap natin, masaya na ako sa mga pinagsamahan natin. Masaya ako na masaya ka.”
Curious kami kung kailan kinunan ang music video ng Paubaya dahil linya ni Josh: “Masaya ako na masaya ka.”
Ito ba ay kuha pagkatapos umamin ni Julia last Jan. 11 na ‘taken’ na siya kaya tunay ‘yung sakit ng iyak ni Joshua?
At sure naman ang dalaga na wala pa siyang kapalit sa ex-boyfriend sa linyang: “Gusto ko maging masaya ka rin. Thank you.”
Hinawakan ni Josh ang batok ng dating katipan at sinabing, “Gusto kong malaman mo na pinapatawad na kita.”
Sagot ni Julia, “Pinapatawad din kita,” kasunod ng pagsubsob ng dalaga ng kanyang mukha sa dibdib ng binata at humagulgol din si Josh.
Inangat ng binata ang mukha ng dalaga at sabay halik sa kanang pisngi nito, at aniya, “Kailangan ko. Take care of yourself (sabay halik sa noo).”
“Ako ‘yung nauna, pero siya ang wakas…” ito ang lyrics habang papalayo si Joshua.
Anyway, ang ending ba ng video ay papasok si Julia sa kumbento o magma-madre siya? Kaya ito ang aming tanong ay dahil sa huling lyrics ni Moira na, “Ipinapaubaya ko na sa kanya,” nakaturo at nakatingin ang dalaga sa itaas.
Baka naman nagpaka-safe lang sina Direk Niq Ablao, Moira at asawa nitong si Jason Hernandez sa script dahil hanggang ngayon ay wala pang inaamin si Julia kung sino ang nagpapasaya sa kanya. Pero kailan lang ay umamin siyang ‘taken’ na siya ngunit hindi niya sinabi kung sino ang kanyang kasintahan.
