top of page
Search

ni Zel Fernandez | April 19, 2022



Pinasinayaan ni Deputy Director General for Operations, Asec. Gregorio R. Pimentel ang pagkakaloob ng monetary rewards sa mga confidential informants sa ilalim ng programa ng PDEA Operation: “Private Eye” na pinamumunuan ni Director General Wilkins M. Villanueva, kaninang alas-10 ng umaga sa PDEA National Headquarters sa Quezon City.


“Today, over 10 million pesos in monetary rewards will be awarded. This, in recognition to the courage of ordinary citizens who have given crucial information leading to the arrest of illegal drug traffickers and the seizure of large volume of illegal drugs,” ani Asec. Pimentel.


Labing-apat na sibilyan ang pinagkalooban ng kabuuang ₱10,262,337.03 cash rewards matapos ang 22 matagumpay na operasyon ng PDEA kontra-droga sa nagdaang taong 2021.


Kabilang sa mga confidential informants na tumanggap ng pabuya ay kinilala sa mga alyas na ‘Myay’, ‘Salonga’, ‘Bonky’, ‘Dream’ at ‘Palanyag’ na pawang mga tumanggap ng monetary rewards na may katumbas o higit pa sa 500 milyong piso bawat isa.


Samantala, ang iba pang mga PDEA confidential informants na tumanggap ng pabuya na mababa sa halagang 500 milyong piso ay itinurn-over ang paggagawad sa kanilang mga PDEA Regional Offices upang mapanatili ang pagsunod sa mga health protocols at maiwasan ang physical crowding sa ginanap na seremonya.


Sa ilalim ng programang Operation: “Private Eye”, binibigyan ng pagkakataon ng Philippine Drug Enforcement Agency ang mga ordinaryong mamamayan na makibahagi sa pakikipaglaban ng kawani sa iligal na droga sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga law enforcement units na masawata ang mga illegal drug traffickers sa bansa.


Panghihikayat ni Asec. Pimentel, kahit sino ay maaaring makibahagi sa kanilang programa sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa ‘Isumbong Mo Kay Wilkins’ platform, pagtawag sa PDEA hotlines at pagpapadala ng email o liham sa kanyang opisina.


Gayundin, para umano sa mas ligtas na paraan ng pakikibahagi sa kanilang operasyon kontra-droga, maaari rin umanong mag-walk-in sa mga PDEA regional offices at mag-report sa mga intelligence officer. Tiniyak naman ng kalihim ang seguridad sa pagkakakilanlan at kaligtasan ng kanilang mga confidential informants.



 
 

ni Zel Fernandez | April 19, 2022



Nasunog ang 10 bahay sa Brgy. 129 Zone 2 Tondo, Maynila kagabi kung saan 30 pamilya ang sinasabing naapektuhan.


Pawang gawa sa mga light materials ang mga kabahayan kaya madaling lumaganap ang apoy.


“Nanood ako ng TV, nandu’n ‘yung asawa ko, ngayon sabi ng asawa ko, ‘Pa, parang may naaamoy kaming nag-iinsenso saka amoy nagsusunog lang… eh, hindi na, ‘di ko naman pinansin dahil tumawag sa ‘kin, eh. Mayamaya, may sumigaw na, isang babae rito, may sunog nga ro’n,” pahayag ni Wilfredo Cano, residenteng tumalon mula sa bintana dahil sa bilis ng pagkalat ng sunog.


Hinihinalang napabayaang kandila ang sanhi ng apoy. Tinatayang aabot sa 100 libo ang halaga ng pinsala. Maliban sa fire volunteer na nabalian sa kamay, wala ng ibang nasaktan o nasawi sa sunog.


Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na nagsimula bandang alas-9 ng gabi at naapula bandang hatinggabi.


 
 

ni Zel Fernandez | April 19, 2022



Ginulat ng 2NE1 K-Pop girl group ang kanilang mga fans matapos ang naging performance nito sa Coachella, kamakailan, sa isang music festival.


Kinabibilangan ng Star Circle Quest contestant noong 2004 na si Sandara Park, sorpresang lumitaw ang girl group sa set ng kanilang former leader na si Lee Chae-rin, known by her stage name CL, with their performance of 2011 hit song I Am The Best.


Hindi magkamayaw sa pagsabay sa veteran K-Pop girl group ang mga fanatics na talaga namang gumawa ng ingay sa social media dahil sa nostalgic feeling na hatid ng muling pagsasama-sama ng quartet.


Matapos maging trending topic ang 2NE1, humirit ang K-Pop fans na magkaroon din ng fresh appearance ang eight-member group na Girls' Generation (SNSD) na kilala bilang 'one of the industry's biggest names' at tinaguriang "Nation's Girl Group" ng South Korea.


Although, wala pang announcement ng kanilang reunion ang Girls' Generation, very hopeful ang mga K-Pop fans na muling makita on stage sina Taeyon, Sunny, Tiffany, Hyoyeon, Yuri, Sooyoung, Yoona, at Seohyun para sa isang on fire performance.


If made possible, for sure na magwawala na naman ang ating mga solid K-Pop fanatics!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page