top of page
Search

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | April 10, 2026



SABUNUTAN NINA KIM AT SOFIA

Photo: Circulated



Kinasabikan online ang mainit na bangayan at sabunutan nina Kim Chiu at Sofia Andres sa primetime teleserye ng ABS-CBN na The Alibi: Ang Buong Katotohanan (TAABK) sa episode noong Martes, Abril 7.


Malupit ang naging komprontasyon ng dalawa sa harap ng publiko matapos ipagsigawan ni Claudia (Sofia) ang pagiging kabit umano ni Stella (Kim) ng kanyang asawang si Vincent (Paulo Avelino). 


Bilang ganti, inilantad naman ni Stella ang panloloko ni Claudia kung saan ibinulgar niya ang lihim na relasyon nito kay Walter (Sam Milby) na best friend ng kanyang mister.


Pinagpiyestahan ng mga fans ang sagutan at iskandalo ng parehong palabang babae na nauwi sa pagbuhos ni Claudia ng kape kay Stella at tuluyan nang nagsabunutan ang dalawa.


Lalo pang titindi ang tensiyon sa mga susunod na episodes matapos ang rebelasyon na naging magdyowa rin sina Stella at Walter bago maganap ang misteryosong pagpatay kay Walter.


Napapanood ang The Alibi: Ang Buong Katotohanan sa ABS-CBN sa ALLTV 2, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) at Facebook (FB).





NAPASABAK sa matinding iyakan si Angelica Jones sa bago niyang pelikulang Neophyte 26 (N26) na tumatalakay sa isyu ng drugs at fraternity hazing.


Ginagampanan niya rito ang role na ina ng lead character played by Derrick Monasterio na naging biktima ng isang malupit na hazing.


Sa buong trailer ay halos puro crying scenes ang mapapanood kay Angelica na aniya ay malayung-malayo sa mga comedy films na ginawa niya.


“This is my first time na nakagawa ako ng pelikula na drama talaga,” sey ni Angelica sa ginanap na mediacon last Tuesday.


Dagdag niya, “Actually, ‘tong movie na ‘to, sa lahat ng eksena, sa lahat ng shooting ko, sa tagal kong naging artista, ‘eto ‘yung pinaka-heavy drama na ginawa ko.”


Dito raw niya talaga nailabas ang lahat ng naging bubog niya sa kanyang buhay.

“Dito ko po inilabas lahat ‘yung mga pain, failure, heartbreak at very timely po ‘yung pag-shoot namin ng pelikula dahil may pinagdaraanan din ako that time.


“Mabigat ‘yung pinagdaanan kong hirap. God knows kung gaano kasakit ‘yung pinagdaanan ko. At du’n sa story talaga, bilang isang ina, masakit, mabigat sa dibdib ng isang ina na halos mamatayan ka ng anak,” sey ng aktres at board member ng San Pablo, Laguna.


May mga oras pa raw na kahit nagsabi na ng “Cut!” ang direktor na si Rommel Penesa ay iyak pa rin siya nang iyak.


“Siguro, ilang years ko nang kinimkim. Marami akong sakit na dinanas sa buhay ko. Dito sa movie ko nailabas lahat ‘yung pain. ‘Yung arte ko rito, ‘di ‘to arte. Natural po ‘yung iyak ko rito,” sey niya.


Taong 2024 nang gawin daw nila ang N26 at timing naman na hindi siya nakaupo bilang public servant noon kaya nagkaroon siya ng oras para gumawa ng proyekto.


Noong nakaraang 2025 elections ay muling tumakbo ang aktres bilang board member ng San Pablo, Laguna at pinalad naman siyang manalo.


Proud na proud si Angelica sa pelikula dahil napapanahon at kapupulutan ng aral ng mga anak at magulang. Isa rin itong wake-up call sa mga kabataan na miyembro ng fraternity o hindi kaya ay nagnanais na sumali rito.


Sa nasabing mediacon ay nilinaw din ni Angelica ang tsikang nabasa niya sa social media na ‘in a relationship’ siya. 


Aniya ay 8 years na siyang happily single at naka-focus lang sa kanyang trabaho at sa nag-iisang anak na si Angelo Jones, na by the way ay kasama rin dito sa movie.

Produced by Empowerment Film Productions and Spring Fairy Entertainment, ipapalabas na ang Neophyte 26 sa mga sinehan ngayong April 22. The movie also stars Derrick Monesterio, Jon Lucas, Neil Ryan Sese, Lance Raymundo, Elle Villanueva at marami pang iba.


 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | April 7, 2026




FRANKLY - ELIJAH, NIYAYA NG SEX NG BASTOS NA NETIZEN/IG @itselijahalejo

Photo: IG / Elijah Alejo



Hindi pinalampas ng Sparkle artist na si Elijah Alejo ang mga pambabastos na natanggap niya mula sa mga netizens sa kanyang social media account.


Nag-post ang aktres sa Facebook (FB) ng mga larawan niya na may caption na:

“Selfies from my look test last year for #SheWhoMustNotBeNamed.”


Hindi naman revealing ang kanyang suot at naka-plain T-shirt lang siya na may crocodile logo, pero dumagsa ang hindi magagandang komento ng mga netizens, lalo na ang mga kalalakihan.


Kaya naman hindi nakapagtimpi si Elijah at ipinost ang screenshots ng mga pambabastos na natanggap.


“The post vs. the comments. My photos are not your excuse, disrespect is never a compliment,” aniya sa caption.




Mababasa sa screenshot ang isang komento na nagsasaad ng “Babe, kan**t tayo.”

Sabi naman ng isa pa, “Nagagalit ako sa buwaya pero sige na nga, puwedeng maging buwaya na rin ako.”


Sa isang hiwalay na post ay naglabas ng mahabang rant ang aktres at kinondena ang mga bastos at walang respetong netizens.

Narito ang buong pahayag ni Elijah:


“Women are not toys. ‘Di kami laruan na puwede ninyong pagtripan kung kailan ninyo gusto. ‘Di kami objects na puwedeng bastusin at tawagin pang ‘compliment.’

“2026 na pero may mga utak pa ring naiwan sa panahong akala nila okay lang ang pambabastos. ‘Di pagiging confident o maganda ang problema. ‘Di pagpo-post ng photos ang issue.


“Kayo ang problema. ‘Yung mindset na iniisip ninyong may karapatan kayong mambastos.


“Just because you see a woman online does not mean you own a piece of her. ‘Di ibig sabihin na visible kami, available na kami sa kabastusan ninyo. ‘Di ibig sabihin na nag-post kami, pumayag na kami.


“Respect is basic. Kung wala kayo nu’n, that says everything about you.


“So kung wala kayong kayang ibigay kundi bastos na salita, manahimik na lang kayo. Women will continue to exist, express themselves, and take up space kahit ‘di ninyo kayang rumespeto.


“At tandaan ninyo, ang pambabastos ay ‘di kailanman magiging compliment.”

Korek!





“MAY hilo nang konti, parang umikot ‘yung kuwarto,” ang reaksiyon ni Bela Padilla nang sabihin sa kanila na sa 8 PM time slot mapapanood ang Blood vs. Duty (BVD), ang seryeng pinagsasamahan nila nina Richard Gutierrez at Gerald Anderson na nagsimula na kagabi (Monday) sa free TV.


“Kasi, sinabi nila sa amin, nagpo-promo kami, parang whole day promo, biglang lumapit si Miss Julie Ann (Benitez, business unit head ng JRB Creative Productions) sa amin nina Chard,” kuwento pa ng aktres sa video na ipinost ng Kapamilya Online World.


Of course ay natuwa raw sila na mapunta sa first slot sa primetime. Matagal nga naman itong pinagharian ni Coco Martin, na ang huling serye ay Batang Quiapo.  

Aniya, “Let’s not lie, getting the first slot is good news, ‘di ba? It’s a pat on the back. That means you’re doing a good job. ‘Di naman kami magsisinungaling na parang ‘di namin in-expect.”


Dagdag pa niya, “We wanted this kasi we worked hard. So we want to maintain it so we’ll keep on working hard. ‘Yun na lang ‘yun. Parang I think ‘yun ‘yung best effort on our end. Hanggang kaya namin to stay on the first slot, we’ll stay.”


Pero siyempre, kung aalisin naman daw sila sa first slot sa mga susunod na buwan ay wala silang magagawa.


“Again, management’s decision ‘yan, audience’s decision ‘yan. If they find that there are other shows that deserve the first slot, wala rin naman kaming magagawa,” aniya.



 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | April 6, 2026



Kathryn Bernardo at Mark Alcala

Photo: File / Circulated



Inilantad na ni Kathryn Bernardo sa publiko ang kanyang tunay na relasyon kay Lucena City Mayor Mark Alcala sa latest sighting sa kanila ng mga netizens habang nasa Thailand.


Nakunan ng camera ang dalawa na HHWW (holding hands while walking) habang pababa ng escalator sa EmSphere Mall sa Bangkok nitong nakaraang Holy Week.

Sa mga larawan ay makikitang nakangiti si Kathryn, walang mask at hat na kadalasang suot niya kapag magkasama sila ni Mark upang hindi siya makilala ng mga tao.


Looking very happy din sina Kathryn at Mark sa mga larawan at tila wala nang pakialam sa mga nakakakita sa kanila.


Ang latest sighting na ito ay isang malinaw na resibo na nasa dating stage o in a relationship nga sina Mark at Kathryn.


Bukod dito ay may video rin na ipinost ang aktres kung saan makikita na nakahawak siya sa braso ng isang guy at bagama’t hindi nakikita ang mukha, ang hula ng mga netizens ay si Lucena Mayor Mark Alcala ito dahil tugma raw sa bracelet na suot ng alkalde.


Noon pa ay marami nang sightings na magkasama sila sa iba’t ibang lugar, pero hanggang ngayon ay nananatiling tikom ang bibig nila tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.





AMINADO si Dingdong Dantes na bilang ama ay nangangamba siya sa future ng kanilang mga anak dahil na rin sa nangyayari sa ating mundo sa kasalukuyan.

Sa latest episode ng KC After Hours (KCAH) noong Sabado, aniya, “Sobra ‘yung pangamba. Pangamba, lungkot, at parang panic na kung walang malaking pagbabagong mangyayari, eh, nakakalungkot na ganitong mundong mai-inherit nila, ng ating mga anak.”


Dagdag pa niya, “That’s why, s’yempre, even as storytellers, as actors, as people in media, parang it’s good that we show the realities of today through the characters we portray, through the stories that we tell. Pero ang tanong, eh, sino ang sasagot sa mga katotohanang ito na sana ay magbago dahil ayaw natin itong mamana ng ating mga anak sa susunod na henerasyon?”


Pero umaasa pa rin daw siya na magkakaroon pa ng pagbabago sa ating bansa para sa magandang kinabukasan ng kanilang mga anak lalo pa nga’t may mga batang lider na rin tayo mula sa bagong henerasyon.


“I have hope because we’re seeing young leaders, we’re seeing new leaders. Kahit na alam nating may challenges, katulad ng mga nabanggit kanina, eh, mayroong opportunities for the good ones to lead.


“And ‘yun ang dasal ko na sana, mapuno ng mga mabubuting lider ‘di lang ‘yung bansa, kundi sa industriya, sa lahat ng mga ginagawa natin,” wika ni Dingdong Dantes.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page