top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Gerard Arce / MC / VA - @Sports | August 01, 2021




Pasok na si Ernest John 'EJ' Obiena sa Tokyo Olympics men's pole vault finals matapos nitong mapabilang sa top 12 ng ginanap na qualifying round kahapon ng umaga sa Japan Olympic stadium. Nagawang malundag ng 25-anyos na taga-Tondo na si Obiena ang baras na nakataás ng 5.75 meters sa final attempt upang mapabilang sa mga finalists ng event.

Nakatakdang idaos ang finals ng men's pole vault sa Martes-Agosto 3 ng 6:20 p.m. (oras dito sa Pilipinas). Muntik pang hindi nakalusot ang world No. 6 na si Obiena makaraang mag-foul ng dalawang beses sa unang dalawang attempts sa 5.75 meters matapos ang perfect run sa 5.50m at 5.65m. Inaasahan ng 25-anyos na si Obiena na makapagpakita siya ng magandang performance pagkaraan ng naging preparasyon kung saan dalawang ulit niyang nabura ang national outdoor pole vault record na 5.87 meters sa ngayon.


Matagumpay na naisakatuparang makuha ni 2019 Southeast Asian Games gold medalist Ernest John Obiena ang isang silya sa Finals sa darating na Martes, Agosto 3.

Kabilang sa mga nakapasok sa Final round sina current World No.1 at world record holder Armand Duplantis ng Sweden, Rio Olympics gold medalist Thiago Braz ng Brazil, 2012 London Olympics champion Rio Silver medalist Renaud Lavillenie ng France, Christopher Nielsen ng US, Bo Kanda Lita Baehre ng Germany, KC Lightfoot ng US, Kurtis Marschall ng Australia, Menno Vloon ng Netherlands, Emmanuil Karalis ng Greece, World No.3 Piotr Lisek ng Poland, Harry Coppell ng Great Britain, Ersu Sasma ng Turkey, at Oleg Zernikel ng Germany.


Hindi naman pinalad na maka-abante sa susunod na round sina Masaki Ejima ng Japan, Claudio Michel Stecchie ng Italy, Pawel Wojciechiwski ng Poland, Sondre Guttormsen ng Norway, Robert Sobera ng Poland, Valentin Lavellenie ng France, Torben Blech ng Germany, Seito Yamamoto ng Japan, Bokai Huang ng China, Konstantinos Filippidis ng Greece, Matt Ludwig ng US, Ben Broeders ng Belgium at Ethan Cormont ng France.

 
 

ni VA / MC - @Sports | July 31, 2021



Nakamit ng Lyceum of the Philippines University (LPU) ang gold medal sa seniors division ng NCAA Season 96 online chess tournament. Ang huling pumasok na semifinalist na si Neymark Digno ang nanalo ng gold medal para sa Pirates.Ginapi ni Digno sa finals si Carl Jaedrianne Ancheta ng Arellano University noong nakaraang Huwebes. Nauna nang iginupo ni Digno si Adrian Othniel Yulo ng College of St. Benilde sa semifinals upang umabot sa kampeonato. Samantala, inangkin naman ni Carl Zirex Sato ng University of Perpetual Help System DALTA si Yulo sa naging laban nila para sa bronze medal.


Samantala, nagkasundo ang Washington Wizards na ibigay si superstar Russell Westbrook sa Los Angeles Lakers kapalit ng tatlong manlalaro at No. 22 pick sa ginanap na NBA draft, ayon sa Athletic at ESPN. Dagdag pa dito ang first-round pick, kung saan makukuha ng Wizards sina Kyle Kuzma, Kentavious Caldwell-Pope at Montrezl Harrell, ayon pa rin sa ulat.


Ipadadala ng Wizards ang kanilang 2024 second-round pick at 2028 second-round pick sa Lakers. Magbabalik si Westbrook, 32, sa kanyang bayan sa California kung saan ito naglaro nooong college sa UCLA.

 
 

ni VA / Gerard Arce - @Sports | July 30, 2021



Isang mabilis na laban ang nagbigay daan para kay 2019 AIBA World silver medalist Eumir Felix Marcial upang masiguro ang pwesto sa middleweight quarterfinal round nang manalo kontra Younes Nemouchi ng Algeria via Referee Stopped Contest dahil sa tinamong injury, habang hindi naging sapat ang mga patamang suntok na binitiwan ni Irish Magno upang magtapos na ang kampanya sa 2020+1 Tokyo Olympics, kahapon sa Kokugikan Arena, Japan.

Iminungkahi ni referee Slovakian referee Radoslav Simon na itigil ang laban sa nalalabing 2:41 matapos makakuha ng cut sa ulo ang Algerian boxer at makalusot sa round-of-16 para makatapat si Arman Darchinyan ng Armenia sa quarterfinals sa Linggo ng 11:36 a.m.

Sa pagtunog pa lang ng bell ay bumitaw agad ng mabibigat na suntok ang 25-anyos mula Zamboanga City para ipatikim ang malakas na kamao at malagay sa standing 8-count mula sa isang kanang suntok sa bibig. “Dikit ‘yung laban namin. Pasok lang siya nang pasok. Right hook ko ang tumama sa kanya sa unang bagsak, pero sobrang tibay din ng kalaban. Ilang beses ko rin siyang tinamaan ng body shots, pero nandoon pa rin ‘yung fighting spirit niya na, lalaban talaga siya,” wika ni Marcial.

Masaya po ako siyempre sa pagkapanalo. Hindi pa ito ‘yung last fight, marami pang fights na darating. Kasama ‘yung mga coaches ko, paghahandaan pa po namin ‘yung mga susunod na laban,” saad ni Marcial na pinuri ang national team coaches na sina Ronald Chavez, Gerson Nietes, Reynaldo Galido, Elmer Pamisa at Don Abnett, habang sumailalim ito sa matinding pagsasanay kay Hall of Famer trainer at coach na si Freddie Roach sa Wild Card Gym sa Los Angeles.

Susubukan ni Marcial na makuha ang siguradong bronze medal sa semis laban kay Darchinyan, na minsan na rin niyang tinalo sa 2018 AIBA World Championships.

Nakalaban ko na po siya (Darchinyan) noong 2018 sa Russia, tinalo ko siya doon pero siyempre, itong Olympics talagang lahat naghanda para rito. Alam ko na handang-handa siya sa laban niya. Kaya ginawa ko lang kung ano ‘yung best ko,” pahayag ni Marcial.

Samantala, nabigo ang 29-anyos na si Magno ng Iloilo kay 30th biennial meet bronze medalist Jitpong Jutamas ng Thailand matapos paboran ng mga hurado ang huli sa 5-0 unanimous decision. Bawas na ng isa ang apat na mga Filipinong boksingero. Sinimulan ng agresibo ni Jitpong ang unang dalawang rounds upang ganap na makontrol ang laro. Nag-step up si Magno sa 3rd round,ngunit nagahol na siya sa oras. Isang hurado lang ang pumabor kay Magno sa third round sa iskor na 10-9. Sanhi ng kabiguan ni Magno, tatlo na lamang ang mga Pinoy pugs na nananatiling nasa kontensiyon sa pangunguna ni Nesthy Petecio na nakakatiyak na ng bronze medal.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page