top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni MC / VA - @Sports | September 14, 2021



Matapos itala ang bagong Asian pole vault record, nagtapos na pang-apat ang Filipino Olympian na si EJ Obiena sa ISTAF Berlin tournament sa Germany noong Linggo (oras doon).

Nakatatlong attempts si Obiena bago natalon ang taas na 5.81-meters.Nagtangka siyang tumalon sa 5.91 meter mark matapos likdangan ang 5.86 meters, ngunit bigo siyang ma clear ang nasabing level.

Dahil dito, hindi umabot sa podium ang Filipino pole vaulter na tumapos lamang siya sa 4th kasunod ng mga Amerikanong sina Sam Kendricks(5.91m), Christopher Nilsen (5.91m)at KC Lightfoot (5.81m)na siyang kumopo ng gold silver at bronze ayon sa pagkakasunod.

Nakopo ni Lightfoot ang bronze dahil natalon niya ito sa una niyang attempt kumpara kay Obiena na nakatatlong attempts.

Samantala, nagbonding muna ang magkapatid na sina Kiefer at Thirdy Ravena sa Japan bago maglaro sa paparating na Japan Professional Basketball League (B.League) season.

Nitong Linggo, nag-post si Kiefer ng litrato na magkasama sila ni Thirdy na may caption na: “Backpackin’ around the world til the dream comes true..”


Ayon sa ulat, nasa Japan si Kiefer upang ayusin ang ilang mga dokumento para sa kanyang paglalaro sa Japan B. League. Pero, babalik pa rin umano ito sa Pilipinas upang tapusin ang PBA Philippine Cup sa NLEX Road Warriors.


Samantala, nagsisimula nang mag-ensayo si Thirdy kasama ang NeoPhoenix. Ilan lamang ang magkapatid na Ravena sa walong Filipino players na lalaro sa Japan para sa paparating na season.


Lalaro rin sina De Liaño brothers Juan at Javi, Ray Parks, Kobe Paras, Dwight Ramos, at Kemark Cariño sa ilalim ng Asian Player Quota para sa ibang teams. Nakatakdang magsimula ang B.League season sa September 30.


 
 

ni VA / MC - @Sports | September 09, 2021




Pagkaraan ng mahabang panahon ng pagkaantala, nasimulan na rin ang paghahanda ng national women’s basketball team para sa nakatakda nilang pagsabak sa FIBA Women’s Asia Cup na gaganapin sa Amman, Jordan mula Setyembre 27 hanģgang Oktubre 3.

Ito ang inihayag ni Samahang Basketbol ng Pilipinas special assistant to the president na si Ryan Gregorio. Ayon kay Gregorio,nagsimula na ang Gilas women’s squad sa kanilang bubble camp sa Lipa City.

Dapat sana ay sa Inspire Sports Academy sa Calamba gagawin ang bubble camp ng national women's team ngunit dahil sa napakahigpit na health protocols dito ay napilitan silang humanap ng ibang venues na may mas maluwag ng kaunti ang mga panuntunan.

Ang mga kasama sa training camp ay sina Southeast Asian Games gold medalists Afril Bernardino, Janine Pontejos at Clare Castro kasama sina France Cabinbin, Khate Castillo, Ria Nabalan, Mar Prado, Andrea Tongco at mga baguhang sina Camille Clarin, Ann Pingol at Kristine Cayabyab sampu ng coaching staff sa pangunguna ni coach Patrick Aquino.

Inaasahang darating sa linggong ito buhat sa US si playmaker Ella Fajardo ng Fairleigh Dickinson University para makasama ng team sa training. Ang Gilas Women’s team ay nasa Group B kasama ng Asian powerhouse China, Australia at Chinese Taipei.


Samantala, ang kauna-unahang UAAP Varsity Channel ay inilunsad ng Cignal TV bilang tugon sa buong taon na programang inilaan para sa UAAP fans.


Inumpisahan ng UAAP ang partnership sa pay TV service provider na may 24/7-access sa lahat ng mga balita sa UAAP sports. Ang Cignal TV CH. 263 (HD) at SatLite CH. 55 na nagsimula kahapon ay maaari nang mabuksan ng mga bago at aktibong subscribers hanggang Okt. 15. Tampok dito ang mga non-stop basketball, volleyball, football at cheerdance action, na mapapanood ang 20-taon nang mga nakalipas na mga laro ng UAAP events maging ang mga legendary players ay itatampok din sa magazine shows.

 
 

ni Gerard Arce / VA - @Sports | September 07, 2021



Tumabla sa 2nd place si pole vaulter Ernest John Obiena sa World Athletics Continental Tour Gold-Kamila Skolimowska Memorial Silesia 2021 sa Silesian Stadium sa Chorzow, Poland noong Linggo.


Nakuhang maklaro ng 2019 SEAG gold medalist ang 5.80-meter mark kapareho ni American KC Lightfoot, habang nanguna si 2020 Tokyo Olympics silver medalist Chris Nilsen ng U.S. para sa first placefinish sa 5.86 meter. Nakamit nina Obiena at Lightfoot ang 5.70 at 5.80 sa ikalawang pagsubok.


Tinangkang maklaro ni Obiena ang 5.92-mark ng dalawang beses matapos makuha ang 5.86m, gayundin si Nilsen na pumalyang mataasan pa ang talon matapos maklaro ang 5.86 sa ikalawang pagsubok.


Tumapos sa 4th place si Kurtis Marschall ng Australia sa 5.70, na sinundan nina Piotr Lisek ng Poland at 2x World champion Sam Kendricks ng U.S. Nakakuha ng kalamangan ang Australian Pole vaulter sa pamamagitan ng count back sa mga naunang talon.


Sa nagdaang Brussels Diamond League ay nagtapos sa 10th place ang 2019 Universiade titlist sa tinalon na 5.65-meters, kung saan pinangunahan ni 2020 Tokyo Games gold medalist Armand Duplantis ng Sweden sa 6.05-meters.


Nakapasok pa rin sa prestihiyosong Diamond League finals ang Tondo, Manila native sa Setyembre 8-9 sa Zurich, Switzerland kalaban sina Duplantis, Nilsen, Lightfoot, Kendricks at Renaud Lavillenie ng France.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page