top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni VA / MC - @Sports | October 04, 2021




Ibayong lakas ang ibinuga ng Supreme Chonburi upang hindi makaporma ang PHL team Rebisco na inulan ng errors, 25-11, 25-16, 25-16, sa 2021 Asian Women’s Club Volleyball Championship, Sabado ng gabi na idinaraos sa Terminal 21 Hall sa Nakhon Ratchasima, Thailand.


Pinamunuan ni Team captain Pleumjit Thinkaow ng team Thailand sa 12 points, habang may ambag na tig-11 puntos sina Wipawee Srithong at Waranya Srilaoong.


Inulan naman ng errors ang Filipinas kaya nabigyan ng libreng 27 puntos na sunud-sunod na itinarak ng Supreme Chonburi. Nasayang naman ang matingkad na laro Dindin Santiago-Manabat na inilabas na mula sa 4 days quarantine para sa Rebisco pagdating sa 3rd set na kumamada ng 5 puntos pero hindi sapat.


Nabigo na naman ang Filipinas na dugtugan ang 5-1 start sa 3rd set nang umalagwa ang Supreme Chonburi sa 9-8 at hindi na nagpabaya pa. Nagdagdag pa ng 6 straight points mula sa 16-13 sina Srithong, Thinkaow, at Srilaoong para hatakin sa kalamangan ang 3rd set hanggang sa tumuntong ng 25-16.


Naunang tinalo ng Kazakhstan ang Rebisco sa bisa ng 3 straight sets. Habang isinusulat ito ay makakatapat ng Rebisco ang Tehran ng 7 p.m.


Samantala, tinalo rin ng Kazakh Zhetysu ang PHL Choco Mucho, 22-25, 19-25, 15-25. Nanguna sina Anastasiya Gurbanova, Svetlana Parukova at Valeriya Shatunova para palakasin ang Zhetysu at mailagay sa Pool A lead. Naunang yumuko ang Filipinas laban sa home team Nakhon Ratchasima noong Biyernes para sa ikalawang pagkatalo sa group play.


Ang Nakhon Ratchasima at Zhetsyu ay maghaharap para sa top spot sa Pool B. Haharapin naman ng Choco Mucho ang team no. 2 sa Pool B sa knockout quarterfinals.

 
 

ni MC / VA - @Sports | October 2, 2021



Hindi sumuko ang Gilas Pilipinas Women sa kanilang kampanya sa 2021 Fiba Women's Asia Cup nang malagay sila sa 7th place sa bisa ng isinapusong panalo 74-70 laban sa India kahapon ng madaling araw na idinaraos sa Prince Hamza Hall sa Amman, Jordan.


Lumakas ang laro nina Janine Pontejos at Khate Castillo sa pinagsamang 11 triples upang sagipin ang Filipinas team na mawalis sa Division A na unang tinalo ng teams China, Australia at Taiwan. Nakapagsalpak si Pontejos ng 4 na triples para sa kabuuang 22 points, 5 rebounds at 2 assists, habang uminit si Castillo sa 22 puntos para sa unang panalo na nakamit ng Pilipinas sa torneo.


Lumamang ng halos 21 puntos sa 3rd quarter ang Gilas women mula sa unang 55-49 lead sa unang canto. Pero hindi sumuko ang India, nagawa pa nilang idikit ang iskor sa 67-65 mula sa basket ni Stephy Nixon, bago bumanat si Castillo ng back-to-back triples at itarak ang 73-65 na kalamangan sa nalalabing 2:28 minuto sa laro. Sa kabilang banda, nakagawa si Afril Bernardino ng 9 puntos. Naulit ang panalong ito ng Gilas Filipinas, 92-78 laban sa India mula rin sa pinag-agawang 7th place noong 2019 edition.


Binitbit ni Pushpa Senthil Kumar ang India sa 15 points at 12 rebounds dahil hindi naglaro ang top rebounder na si Navaneetha Pattemane Udayakumar. Nagtapos na pang-walo ang India.


Samantala, tatlo sa 8 mga Filipinong basketbolista na kinuha bilang Asian import para sa Japan B. League ang hindi pa makalalaro sa unang dalawang linggo sa liga dahil sa mahigpit na quarantine protocols na pinaiiral doon. Ang tatlo ay sina Dwight Ramos, Javi Gomez de Liaño at Kemark Cariño ay kamakailan lamang umalis ng bansa at dahil sa mahigpit na inbound arrival policies ng Japan kung kaya inaasahang may dalawang laro silang hindi mami-miss sa susunod na dalawang linggo.


Gayunman, matutunghayan ng mga Pinoy fans ang limang mga Filipino imports na nauna ng dumating sa Japan na sina Thirdy at Kiefer Ravena, Bobby Ray Parks Jr., Kobe Paras at Juan Gomez de Liaño.

 
 

ni Anthony E. Servinio / VA - @Sports | September 30, 2021



Nakatagpo na rin ng venue na pagdarausan ng pinakamalaking international football competition sa ASEAN region.


Sa kanilang opisyal na anunsiyo noong Martes ng gabi, napili ang Singapore ng mga miyembro ng ASEAN Football Federation council para maging host ng 2020 (edition)AFF Suzuki Cup. “We welcome the ASEAN Football Federation’s selection of Singapore as host of the 2020 AFF Suzuki Cup,” ayon kay Philippine Football Federation President Mariano Araneta. “Singapore has a wonderful track record in hosting major competitions and we are confident that this year’s AFF Suzuki Cup will be conducted with the health and safety of players and staff as the main priority amid the COVID-19 pandemic."


Naunang itinakda noong Nob. 23 - Dis. 21, 2020,sa isang home-and-away format, na-postponed ito dahil sa COVID-19 pandemic.

Mabuti na lang at naging matagumpay ang mga pagdaraos ng biosecurity bubbles para mapanatiling ligtas ang sports events na sinamahan pa ng malawakan na pagbabakuna sa mga bansang patuloy sa paglaganap ang coronavirus.


Singapore is not on the red list in terms of COVID-19 restrictions in other countries so I think traveling there will be easier. What is important for us is to assemble the right team for this tournament considering all the restrictions on different countries from where our players will come from,” wika naman ni long-time Philippine Azkals team manager Dan Palami.

Matapos ang apat na semifinal finishes noong 2010, 2012, 2014, at 2018, umaasa ang mga Azkals na makakaabot sila ng finals sa unang pagkakataon ngayong taon.

Kasama ang tropa ni Coach Scott Cooper sa Group B kasama ng host nation Singapore, Thailand, Myanmar, Timor Leste at Brunei Darussalam. “I think for now we can’t have early training camps, unlike Singapore or Thailand, can because our players are scattered worldwide and that’s still going to be a logistical challenge for us to see who we can bring in like the players who aren’t in season and the players in season,”wika ni Cooper.

Ang torneo ay idaraos sa Dis. 5 hanggang Enero 1, 2022.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page