top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Anthony E. Servinio / VA - @Sports | October 11, 2021




Nagdiwang ang Laguna Pistons matapos maitala ang unang panalo sa Chooks To Go National Basketball League (NBL) Chairman’s Cup 2021 sa Mindoro Tamaraws Nex Gen, 106-87, Sabado ng gabi sa Bren Z. Guiao Convention Center sa City of San Fernando, Pampanga. Sa isa pang laro, tatlong sunod-sunod na ang panalo ng Pampanga Delta matapos tunawin ang bisitang Muntinlupa Water Warriors, 107-75.


Kinuha ng Pistons ang first quarter, 22-14, subalit bumuhos ng 11 diretsong puntos ang Tamaraws upang maagaw saglit ang lamang, 25-24. Iyan na ang huling ingay ng Mindoro at sinagot ito ng Laguna, 30-13, upang tuluyang lumayo sa halftime, 54-38.


Nanguna sa Pistons si kapitan Shinichi Manacsa na nagsabog ng 24 puntos at sinundan nina King Fadriquela na may 17 at Kim Galamiton na may 16 upang umakyat sa 1-4 panalo-talo. Nabitin ng isang puntos si Jeff Disquitado para sa triple double sa 9 na puntos, 16 rebound at 12 at pinaupo na siya sa huling 4:44 at komportable ang lamang, 97-76.


Nahanap muli ng Delta ang talas ng kanilang opensa matapos maitakas ang 69-55 tagumpay sa Paranaque Aces noong nakaraang Linggo. Minsan lang nakatikim ng lamang ang Muntinlupa, 3-0, at mula doon ay bumanat ng todo ang Pampanga sa pangunguna ni Levi Hernandez na nagtala agad ng 10 puntos sa first quarter pa lang para sa 29-22 na kalamangan.


Samantala, nakatikim ng 66-104 na kabiguan sa kamay ng 4-time reigning Women’s Basketball League of Serbia champion ZKK Crvena zvezda si Jack Animam at ang kanyang koponang ZKK Radnicki Kragujevac, sa Jazero Hall sa Kragujevac, Serbia kahapon ng umaga (Oktubre 10-Manila time).


Ngunit sa gitna ng malaking pagkatalo,hindi maikakailang impresibo ang ipinakitang laro ng Filipina star center sa kanyang ikalawang laban bilang professional makaraang magposte ng panibagong double-double - 29 puntos at 12 rebounds bukod pa sa 6 assists at tig-isang steal at block.Tatangkain ni Animam at mga teammates nito sa Radnicki na makabawi sa pagsagupa nila sa koponan ng Kraljevo sa Sabado-Oktubre 16.

 
 

ni MC / VA - @Sports | October 07, 2021



Hinalimaw nina Kalei Mau at MJ Phillips ang laro para sa Choco Mucho nang papakin ang Rebisco, 22-25, 25-17, 25-19, 25-17, sa All-Filipina game sa Asian Women’s Club Volleyball Championship na idinaraos sa Terminal 21 competition hall sa Nakhon Ratchasima, Thailand kahapon.


Ang pagiging ganado ni Phillips ang umangat sa Choco Mucho para sa opening set, katuwang si Mau upang manaig sa mas batang team ng Pilipinas sa huling tatlong sets at tuluyang makuha ang unang pagwawagi sa torneo.


Ang panalong iyon ang maghahatid sa Choco Mucho para sa bakbakan sa fifth place laban sa Zhetysu ng Kazakhstan habang inilagay nila ang Rebisco team sa huling standings mula sa limang talong laro.


Samantala, umalis na kahapon (Miyerkules) ang Team Rebisco Philippines patungong Nakhon Ratchasima,Thailand para sa nakatakda nilang pagsabak sa Asian Men’s Club Volleyball Championship na magsisimula bukas-Biyernes-Oktubre 8.


Pangungunahan ang koponan ni team captain John Vic De Guzman kasama ng iba pang miyembro ng SEAGames silver medalist squad na sina Rex Intal, Mark Alfafara, Ricky Marcos, Ish Polvorosa, Jessie Lopez, Kim Malabunga, Francis Saura, Josh Retamar at Jao Umandal.

Kasama nila sina Ysay Marasigan na dating miyembro ng 2015 SEA Games team, Nico Almendras, Manuel Sumanguid at JP Bugaoan.

Nasa ilalim ng paggabay ni coach Dante Alinsunurin, ang continental club competition ang unang international tournament na lalaruan ng national men's volleyball squad matapos magwagi ng makasaysayang silver medal noong 30th Southeast Asian Games. Ang partisipasyon nila sa naturang torneo ay itinaguyod ng Philippine Sports Commission.

Kahit wala ang kanilang ace spikers na sina Marck Espejo at Bryan Bagunas na naglalaro sa koponan ng Tokyo at Oita Miyoshi sa V League ayon sa pagkakasunod, nananatiling optimistiko si Alinsunurin na sa kabila pa rin ng hamong kanilang kinakaharap dulot ng pandemic dahil sa taglay nilang deep talent pool.


 
 

ni VA - @Sports | October 06, 2021



Mukhang maaantala ang pinakahihintay na paglalaro ni Kai Sotto sa National Basketball League (NBL) matapos na magpahayag ang liga na pinaplano nilang iurong ang kanilang season opener dahil sa sitwasyon ng COVID-19 sa Australia.


Sang-ayon kay League commissioner Jeremy Loeliger sa panayam sa kanya ng programang Ball sa ESPN at Real World podcast noong Oktubre 1, hindi pa sila nakakatiyak kung itutuloy ang opening nila sa Nobyembre 18. Prayoridad aniya nila ayon kay Loeliger ang kalusugan, kaligtasan ng lahat ng stakeholders kabilang na ang mga fans na plano nilang pahintulutan na makapanood ng live.


"We're still scheduled to start on November 18," ani Loeliger. "(But) given that we've always said our priority is our fans and allowing them to attend as many games in their home city as possible, it would be derelict of us not to continue to monitor and consider current circumstances of whether or not we push that date back a little further." Inaantabayanan ang NBL season dahil sa nakatakdang paglalaro ng mga overseas players kabilang na si Sotto na lalaro para sa Adelaide 36ers at mga Chinese big men Zhou Qi ng South East Melbourne Phoenix at Liu Chuanxin ng Brisbane Bullets.


"We try to minimize disruptions to clubs and players as much as possible and we play in a code that happens to be a global sport and so a lot of our players are coming from overseas and wanting to play basketball," ayon pa kay Loeliger. "Officially it's still November 18 but you're 100 percent correct [that] there is certainly some murmur on the streets because of that fact that a lot of other codes are continuing to push back and we're continuing to monitor the numbers on a day-by-day basis."


 
 
RECOMMENDED
bottom of page