top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Gerard Arce / VA - @Sports | October 16, 2021



Nakahanda nang magpasiklab at magpakitang gilas ang pinakamahuhusay na Esports athletes mula sa iba’t ibang colleges at universities sa bansa sa Mobile Legends: Bang Bang 5-on-5 Varsity Cup (MVC) simula Nobyembre 10-21.


Ilulunsad ng pinakabagong esports league sa bansa na Collegiate Center for Esports (CCE) na katatampukan ng mga koponan mula sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) na paniguradong matindi rin ang bakbakang dala sa larangan ng online gaming.


Ipaparada ng reigning NCAA men's basketball champions na Colegio de San Juan de Letran Knights ang mga pindutero ng 2019 Finals MVP Fran Yu, katulong sina Jeo Ambohot, Allen Mina, King Caralipio, at Shan Bautista at makakatapat ang dating karibal na San Beda University Red Lions na sina Damie Cuntapay, Yukien Andrada, Justine Sanchez, Tony Ynot, at Gabriel Cometa.


Hindi naman padadaig ang Lyceum Pirates na sina Lorenzo Navarro, Alvin Baetiong, Carlo Abadeza, Yancy Remulla, at Shawn Umali.


Bubuo sa DLSU St. Benilde sina Carlo Lim, Baron Gabuyan, Ryan Daculan, Reiven Valera, Georgie Gauani, at Leonard Jaboli. Habang ang Arellano Chiefs ay sina Kai Oliva, Lars Sunga, Diego Ilao, Marlon Espiritu, at Jifford Cahigas. Lilipad ang Mapua Cardinals na sina Warren Bonifacio, Joaqui Garcia, Jasper Salenga, Adrian Nocum, Jomer Mercado at Angelo Parinas, habang ang mga pambato ng Emilio Aguinaldo Generals ay sina Kyle Carlos, Jomar Amador, Ralph Vincent Robin, Adrian De Guzman at Christian Angelo Cabuhat.


Aatake rin ang mga bataan ng Jose Rizal Bombers na sina JL Delos Santos, Jan Marc Abaoag, Hosea Mananquil, Dustin Aguado, at Donvic Aguado, manunuwag ang San Sebastian Stags na sina Michael Are, na sumegunda sa 1v1 tourney nitong buwan, kasama sina Kenneth Villapando, JM Calma, Camillus Altamirano, at Rafael Are.


Tututok ang atensyon ng lahat sa pinakamahusay na manlalaro at kampeon ng 1v1 na si Jasper Cuevas na bibitbitin ang UPHSD DALTA System na sina Kyle Cuevas, Lean Martel, Shawn Orgo, at Rey Joey Barcuma.

 
 

ni VA / MC - @Sports | October 14, 2021



Magsisimula ang kampanya ni Kai Sotto para sa koponang Adelaide 36ers sa National Basketball League-Australia sa Disyembre 3.


Unang makakasagupa ng 36ers sa isang road game ang bagong koponang Tasmania JackJumpers sa mismong homecourt sa MyState Bank Arena ng 4 p.m. Susundan ito ng una nilang home game sa Disyembre 6 kontra Brisbane. Kahit naurong ang petsa ng opening, bawat koponang kalahok ay may nakatakda pa ring tig-28 laro.


Ang apat na mangungunang teams pagkaraan ng eliminations ay susulong sa best-of-three semis kung saan ang top seed ay makakasagupa ang fourth-ranked team habang ang second at third placers naman ang magtutuos sa isa pang pairings. Ang magwawaging dalawang koponan ay uusad sa best-of-five finals.


Samantala, nakatakdang maglaro sa Gilas Filipinas sina Fil-Am Mai-Loni Henson, dating pambato ng Washington University at sentrong si Jack Animam, sumasabak ngayon sa Serbia, sa mga torneo sa 2022, ayon kay national women’s team coach Pat Aquino. “They will join us this February,” wika ni Aquino.


Magiging magandang dagdag ang 6-foot-1 na sina Henson Philippine team na dadalhin ang kanyang husay sa laro kung saan kumakamada ito ng average na 6.7 points at 4.2 rebounds sa kanyang huling season sa Huskies at sa ALA Le Havre Basket sa France at si Animam ay inaasahang magpapakita ng mas-imprub na paglalaro dahil sa pagsabak nito sa pro-league sa Serbia.


Kaya lang, maglalaro si Henson bilang naturalized player ng Gilas Filipinas na target maidepensa ang kanilang titulo sa Southeast Asian Games sa Vietnam at sasabak sa 2022 FIBA Women’s World Cup Qualifying Tournaments maging sa 2022 Asian Games sa Hangzhou, China.

 
 

ni VA - @Sports | October 13, 2021




Aalis sa Sabado patungong Malaysia ang grupo ni Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz para muling magsanay doon.


Sa pagkakataong ito, paghahandaan ni Diaz ang target na world championships gold medal na sya na lamang kulang sa kanyang koleksiyon. Ayon sa nobyo ni Diaz na siya ring tumatayong strength at conditioning coach na si Julius Naranjo, mas mainam na magsanay sa Malaysia kumpara sa Manila dahil makakapag-focus sila roon ng husto sa training at workout.


Sa Malacca, Malaysia nag-bubble training si Diaz kasama ang Team HD (Team Hidilyn Diaz) mula noong Pebrero 2020 hanggang Hulyo (2021)bago magtungo sa Tokyo at sumabak sa Olympics.

Ang world championships ay nakatakdang ganapin sa Disyembre 7 -17 sa Tashkent, Uzbekistan. Aminado naman si Naranjo na kailangan nilahg magsagawa hg kaunting adjustment ngayong siya na rin ang magiging head coach ni Diaz kapalit ng Chinese coach na si Kaiwen Gao na umuwi na sa Beijing. “It’s never easy transition to head coach. But I feel the pandemic has given me the opportunity to really take lead,” ani Naranjo. “I put in a lot of work during the pandemic to really work on Hidilyn’s program and do all the necessary work a head coach normally does.”

Kabilang din sa kanilang programa ang Hanoi 31st SEA Games at Hangzhou 19th Asian Games sa 2022. Kasama rin nilang magtutungo sa Malaysia sina Jeaneth Aro ang kanilang sports nutritionist at Karen Katrina Trinidad, ang sports psychologist.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page