top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni VA - @Sports | November 12, 2021





Sa pag-urong ni Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz, ang Olympian na si Erleen Ann Ando at Asian champion Vanessa Sarno ang inaasahang mamumuno sa weightlifting team ng bansa na sasabak sa International Weightlifting Federation World Championships na gaganapin sa Disyembre 7 - 17,sa Tashkent, Uzbekistan. Si Ando na nagdiwang ng kanyang ka-23 taong kaarawan noong Nobyembre 1 ay sasabak sa women’s 59-kg category, mas mababa sa 64-kg class na nilahukan niya sa Tokyo Games habang si Sarno naman ay lalaban sa parehas na -71 kgs class kung saan siya nanalo ng gold sa Asian Championships.

Nagdesisyon si Diaz na hindi na sumali sa world championships dahil na rin sa kakulangan sa preparasyon. “Whatever she (Diaz) decides, I’ll always go for it and respect her decision,” wika ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas President Monico Puentevella sa naging desisyon ni Diaz. “She has nothing to prove anymore, she won Olympic silver and gold. So if she competes or not, it’s the same—I respect her and all I want for her is to enjoy life after weightlifting.” Kasama nina Ando at Sarno na sasabak sa Tashkent sina Asian championships silver medalist Mary Flor Diaz (-45 kgs), Ellen Rose Perez (-49 kgs), 2019 SEA gold medalist Kristel Macrohon (-76 kgs), Margaret Colonia (-64 kgs), Fernando Agadin (-55 kgs), John Febuar Ceniza (-61 kgs), Dave Lloyd Pacaldo (-67 kgs) at John Dexter Tabique (- 96 kgs).

Gagabaysn sila ng mga national coaches na sina Christopher Bureros, Richard Augusto at Roberto Colonia.

 
 

ni VA - @Sports | November 10, 2021





Hindi na lalahok si Tokyo Olympic gold medalist Hidilyn Diaz sa World Weightlifting Championships na gaganapin sa Tashkent, Uzbekistan sa darating na Disyembre 7-17.

Ayon kay Diaz, hindi nya kakayanin na umabot sa tinatawag na "peak form" sa loob ng limang linggo makaraang dumating sa kanilang training center sa Malacca, Malaysia noong nakaraang weekend. I know a lot of Olympians aren’t joining,”ani Diaz sa panayam sa kanya sa PlayItRightTV na matutunghayan sa darating na Linggo sa YouTube at Facebook. “I prefer to compete against the best. I’ve been training only three or four times a week lately. I don’t think I’ll be able to sustain my performance in Tokyo. I’m told many of the Olympians are still recovering and enjoying their rest after training for so long,” dagdag nito. Sa ngayon, prayoridad ni Diaz ay ang tapusin ang kanyang thesis para sa kanyang Business Administration degree sa College of St. Benilde. Sa kasalukuyan, hindi pa rin niya pinag-iisipan kung saan maninirahan sa mga bahay na ibinigay sa kanya bilang insentibo sa pagkapanalo nya sa nakaraang Tokyo Games.

Wala pa rin aniya siyang plano kung muli siyang sasabak sa 2024 Paris Olympics na magiging ikalima na niyang Olympic stint. Sa ngayon, magsisimula si Diaz at ang kanyang team sa pangunguna ng kanyang coach at nobyong si Julius Naranjo ng training sa Malacca hanggang bago mag-Pasko.

Nakatakda silang bumalik ng bansa upang dito magdiwang ng Pasko bago bumalik sa Malacca sa Marso para makapaghanda para sa SEA Games.


 
 

ni VA - @Sports | November 2, 2021





Nakumpleto ng Creamline 1 pair nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons ang golden double sa women's division ng BVR on Tour nang muli silang mamayani noong Linggo ng hapon, 21-13, 21-11 kontra sa Creamline 2 tandem nina Dij Rodriguez at Dzi Gervacio sa finals ng second leg ng torneo sa Santa Ana, Cagayan. Winalis nina Rondina at Pons ang lahat ng kanilang 13 laro sa two-leg bubble tournament.

Gaya nina Rondina at Pons, nagtala rin ng championship double sina Krung Arbasto at Jude Garcia ng Creamline 1 sa men's division nang gapiin nila ang Tuguegarao duo nina James Pecaña at AJ Pareja, 21-17, 21-16, sa 2nd leg finale. "Sobrang grateful kami sa pagkakaroon ng opportunity na makapaglaro dito. Tuloy kami sa goal namin," wika ni Pons,na pinasalamatan ang Philippine National Volleyball Federation at ang BVR sa pagdaraos ng katatapos na kompetisyon. Ang dalawang Santa Ana legs ng BVR ay bahagi ng paghahanda ng mga national team players sa nakatakda nilang pagsabak sa Asian Senior Beach Volleyball Championship na gaganapin sa Phuket, Thailand sa susunod na buwan. "Siguro focus lang kami sa goal.


Hindi lang kami nagpe-prepare dito (BVR) kundi sa Asian Senior Beach Volleyball Championship sa Thailand (next month) and sa SEA Games next year," ayon naman kay Garcia.

Nagtala rin ng 2-legs sweep na kinapapalooban naman ng 14 na laro sina Arbasto at Garcia.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page