top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni VA / MC - @Sports | December 05, 2021





Postponed ang nalalapit na unification bout sa pagitan nina reigning IBF world super flyweight champion Jerwin Ancajas at WBO world super flyweight champion Kazuto Ioka dahil sa travel restrictions dulot ng COVID-19 Omicron variant.


Nakatakda sanang magsagupa ang dalawang 115-pounders sa Disyembre 31 sa Ota-City General Gymnasium sa Tokyo. Gayunman, nagsara ng borders ang Japan sa foreign travelers, kaya napuwersa ang handlers na kanselahin na ang laban at ililipat na lamang sa ibang petsa. “Team Ancajas was looking forward to this historic fight against Ioka but understands there are bigger concerns than boxing in Japan and the world with the situation caused by the emergence of the latest variant. We remain committed to making this fight happen as soon as possible in Japan,” ayon kay MP Promotions President Sean Gibbons.


Bukod sa bakbakang Ancajas vs. Ioka, ang unification bout sa pagitan nina IBF world middleweight champion Gennady Golovkin at WBA world middleweight champion Ryota Murata sa Dis. 29 ay kanselado na rin.

Samantala, may bago ng coach ang De La Salle-College of Saint Benilde sa katauhan ni Charles Tiu para sa kanilang men's basketball team para sa NCAA Season 97.


Pinalitan ni Tiu ang dating head coach na si TY Tang. Pormal itinalaga si Tiu ng pamunuan ng Benilde Center for Sports Development noong nakaraang Huwebes ayon sa school publication na The Benildean. Bago naging head coach, bahagi si Tiu ng Blazers coaching staff sa nakaraang limang taon.

Maliban sa CSB, isa rin si Tiu sa mga deputy ni coach Norman Black sa Meralco at isa sa mga assistant coaches ng Gilas Pilipinas Youth squad. Siya rin ang Tiu ang coach ng Nueva Ecija Rice Vanguards sa Maharlika Pilipinas Basketball League.

 
 

ni VA / MC - @Sports | November 30, 2021





Maganda ang naging simula sa men's tournament ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Champions League nang magwagi ang Go for Gold Air Force Aguilas kontra VNS Manileño Spikers sa bisa ng paggiba sa five-set, 23-25, 25-23, 19-25, 25-23, 15-11 kahapon.


Naglista si Mark Gil Alfafara ng 19 points para sa Air Force squad, habang si John Vic de Guzman ay nakapagtala ng 15 attacks para sa tagumpay. Nabalewala ang 17 puntos ni R-Vin Morris Gavan sa VNS.


Habang isinusulat ito ay naglalaban ang Sabong International Spikers at MRT-Negros maging ang Global Remit at Team Dasma sa dakong hapon ang bakbakan. Ang magwawagi sa men's tournament ang kakatawan sa bansa para sa Asian Club Volleyball Championship 2022.


Samantala, kumuha na ng abogado at tagapagsalita ang Olympian pole vaulter na si EJ Obiena na kakatawan at magsasalita para sa kanya sa kasalukuyang gusot nila ng Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa).

Sa kanyang post sa social media, sinabi ni Obiena na ang Gana Tan Atienza Avisado Law Offices ang kakatawan sa kanya para sa pag-iimbestiga ng mga awtoridad sa kontrobersya hinggil sa suweldo ng kanyang Ukrainian coach na si Vitaly Petrov.

Today, I have officially engaged Atty. Alex Avisado and the Gana Tan Atienza Avisado Law Offices as my legal counsel to represent me in all current and future investigations including the filing of any possible and appropriate civil, criminal, and administrative actions,” pahayag ni Obiena.

Itinalaga niyang opisyal na tagapagsalita ang kanyang trainer at adviser na si James Lafferty. Si Laferty ang nagbalita kamakailan na may mga bansa ng nagpahiwatig sa kanila ng kagustuhang makuha si Obiena.Handa rin aniya ang mga itong bigyan ng pasaporte ang Pinoy pole vaulter.

 
 

ni VA - @Sports | November 27, 2021




Mula sa dalawang taon na pamamahinga dulot ng kawalan ng torneo dahil sa pandemya, literal na winalis ng F2 Logistics ang lahat ng kanilang laro upang makopo ang titulo ng katatapos na Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Champions League. Ginapi ng Cargo Movers ang Chery Tiggo, 25-20, 25-20, 25-22, sa finals para tanghaling inaugural champion ng torneo. Bukod sa paggapi sa 2021 Premiere Volleyball League Open Conference champion, winalis din ng F2 Logistics ang lima nilang laro at wala silang ipinatalo na kahit isang set.

Dahil sa kanilang pagkapanalo, ang Cargo Movers ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa Asian Women's Club Volleyball Championship sa Mayo. Pinangunahan ni Kalei Mau ang panalo ng F2 sa finals sa itinala nitong 16 puntos. Nagbanta pang hihirit ng fourth set ang Chery Tiggo matapos humabol, tumabla (18-all) at lumamang(19-18) pa sa third set sa pamamagitan ni Mylene Paat.

Sa kasamaang palad si Paat din ang nagbigay muli ng kalamangan sa kalaban, 22-21 sa kanyang attack error hanggang sa tuluyang selyuhan ni Mau ang kanilang panalo sa kanyang open hit. Nanguna sa losing cause ng Cherry Tiggo na lumaong wala ang ace player na si Jaja Santiago si Dindin Santiago-Manabat na umiskor ng 17 puntos.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page