top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Gerard Arce / VA - @Sports | April 4, 2022



Muling nakausad sa championship round ang Creamline Cool Smashers matapos pabagsakin ang utol na Choco Mucho Flying Titans sa bisa ng 3-to-1 sets sa iskor na 23-25, 25-19, 25-18 at 25-15 sa uminit na laban sa Game 2 ng best-of-three semifinal series sa 2022 Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa a Mall of Asia Arena kahapon sa Pasay City.



Nagtulong-tulong ang three-headed monster ng Creamline na sina Tots Carlos, Jema Galanza at Alyssa Valdez para pangunahan ang atake ng koponan. Humataw ng 18 puntos (16 attacks, 1 block, 1 ace) si Galanza kasama ang 15 excellent digs na naging mabisang sandata ng Cool Smashers sa mga importanteng atake, habang pinangunahan ni Carlos ang puntusan sa 23 (19pts, 3 ace, 1 block), gayundin ang 5 excellent receptions ni Valdez sa 17pts. May 14pts ang Flying Titans kay Kat Tolentino at 13 pts kay Des Cheng na nabigong makapasok muli ng finals sa ikalawang sunod na pagkakataon kontra Cool Smashers.

Nag-training lang kami ng mabuti at binasa namin yung kalaban at yung tiwala ko sa sarili ko kase last game medyo off, pero ngayon sabi ko babawi talaga ako at saka gusto kong pumasok kami sa finals,” wika ni Jema Galanza sa post-game interview sa kanya. “Kapag nakikita ko yung teammates ko na masaya na andun yung tiwala nila sa akin na nabibigay ko talaga yung lahat. Tingin ko pinag-aralan nila kami at talagang malakas ang Choco Mucho at mga bata pa.”

Samantala, ang lakas ng laro ni Dindin Santiago-Manabat para sa Chery Tiggo ang tumalo sa Black Mamba Army sa five-set war. Ginapi ng Crossovers sa two-set lead at nanlusaw sa fifth set para kunin ang 25-15, 25-20, 20-25, 23-25, 15-12 win sa classification phase. Nakagawa si Santiago-Manabat ng 32 points, 26 kills, three aces at three blocks. Dumagdag si Mylene Paat ng 22 points para sa kabuuang 64 kills ng Crossovers sa game. Ang panalo sa BaliPure sa Martes at makatitiyak ng 7th place para sa Crossovers.


 
 

ni Gerard Arce / VA - @Sports | April 3, 2022




Tatangkain ng Creamline Cool Smashers at Cignal HD Spikers na mapanatili ang kanilang unbeaten winning streak at maitalaga ang kanilang napipintong pagtatapat para sa championship match sa magkahiwalay na tagpo ngayong araw sa mas tumitindi at umiinit na paluan at hampasan ng Game 2 ng best-of-three semifinal series sa 2022 Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa pagbabalik ng mga laro sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ipinadama ng Cool Smashers ang kanilang bangis sa ikatlo at ikaapat na set upang tapusin ang laro at kunin ang Game 1 kontra sa sister-team na Choco Mucho Flying Titans sa bisa ng 25-18, 17-25, 25-19 at 25-11, habang muling magtatapat ang mga ito sa ikalawang pagkakataon bandang 3 p.m. Determinado naman ang bataan ni coach Shaq Delos Santos at buong koponan ng Cignal HD Spikers na tuldukan ang kanilang serye laban sa championship contender na Petro Gazz Angels sa 2nd game ng 6 p.m. bago ang main games ay magsasagupa muna ang Chery Tigo Crossover at Black Mamba Army Lady Troopers sa classification match sa 11 a.m.

Aminado si Cool Smashers coach Sherwin Meneses na nagamit na malaking bentahe sa panalo ng koponan ang malawak na karanasan ng kanilang mga manlalaro sa pangunguna nina Allyssa Valdez, Jema Galanza, Tots Carlos, Risa Sato, Pau Soriano, Celine Domingo, Kyle Negrito, Jeanette Panaga, Fille Cayetano at Julia de Guzman, habang nais ni Meneses na malaking bagay rin ang makapagpahinga at makarekober ang kanilang mga manlalaro para sa susunod na laban.

Inihayag ni Delos Santos ng HD Spikers na kinakailangan nilang panatilihin ang magandang panimula at malakas na pagtatapos kontra Petro Gazz na masugid at mahigpit nilang pinaghandaan upang mapunan ang mga kakulangan at adjustments sa laro.

Kailangan mag-start ng strong and finish strong talaga kase medyo nagkakaroon kami ng mga lapses pagdating du'n, and good things sa endgame, kaya kailangan lang namin 'yung magandang recovery at pag-aralan lang namin yung pagkukulang namin, kase slow start talaga yung service namin, medyo easy, 'yung receive namin medyo struggle kami,” wika ni Delos Santos.

 
 

ni VA - @Sports | April 1, 2022




Ipinakita ng Ateneo de Manila University ang kanilang lakas makaraang durugin ang Adamson University, 78-47 kahapon sa UAAP Season 84 men's basketball tournament sa Mall of Asia Arena. Dahil sa panalo, umangat ang three-time defending champions sa markang 3-0 na nagpalawig sa kanilang winning run sa 29 games mula noong 2018. Lahat ng player na ipinasok ni coach Tab Baldwin ay umiskor para sa Blue Eagles na naitala ang pinakamalaking winning margin sa torneo.


Nanguna sa naturang panalo si Angelo Kouame na may double double 13 puntos at 10 rebounds, kasunod sina Tyler Tio at Chris Koon na may tig-9 na puntos. "We think everybody has a job to do, and today, we were able to get everybody on the court, which we needed to do," ayon pa kay Baldwin.


"The energy was really good out there." "We had a l apse in the second quarter, and we gotta figure out why we have lapses in games," dagdag nito."But we recovered in the second half, and the energy was good." Wala naman ni isang Adamson player na umiskor ng double-digits. Ang top scorer sa kanila ay sina Keith Zaldivar at Lenda Douanga na mayroon lamang tig-6 na puntos. Bunga ng kabiguan, bumaba ang Falcons sa markang 1-2.

Sa ikalawang laro, hindi naman nagpahuli ang De La Salle University na tinudla rin ang ikatlong dikit na panalo matapos pataubin ang Far Eastern University, 75-65, para manatiling kasalo ng Ateneo sa pamumuno.


Nagtala ng 20 puntos, 11 rebounds, 2 steals at tig-isang block at steal si Justine Baltazar upang pangunahan ang nasabing panalo ng Green Archers.


Nanguna naman para sa Tamaraws na bumagsak sa markang 1-2, panalo-talo si LJ Gonzales na may 17 puntos, 4 na rebounds, 3 assists at 4 na steals.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page