ni VA - @Sports | September 21, 2022

Muling tatangkain ng dating 8-division world champion Manny Pacquiao na pakinangin ang karera sa loob ng ring at patunayan pang may ibubuga bilang boxing sport icon.
Makakaharap ng 43-anyos na si Pacquiao ang French superstar na si Jaber Zayani sa isang ring confrontation na unang pormal na nilagdaan bilang kasunduan noong nakaraang linggo sa bahay ng dating senador sa Makati City. “I personally negotiated with the senator together with my team and after months of talks, we finally agreed to a face-off next year. He already signed the contract so it is a go,” saad ni Zayani na kasama ni business manager Nico Rojas.
Samantala, hinirang ng Philippine Olympic Committee (POC) ang basketball legend at kasalukuyang presidente ng national baseball federation na si Joaquin “Chito” Loyzaga bilang chef de mission (CDM) ng Team Philippines para sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia sa susunod na taon. Itinalaga din ni POC President Representative Abraham “Bambol” Tolentino sina sambo association president Paolo Tancontian at canoe-kayak head coach at international technical official Leonora “Len” Escollante bilang mga deputies ni Loyzaga para sa May 5 -16 SEA Games na idaraos sa Cambodia sa unang pagkakataon.
“Their handling of their respective NSAs [national sports associations] and their management skills make them deserving of the posts,” pahayag ni Tolentino. Ayon pa kay Tolentino, nakatakdang magdaos ang Cambodia ng 49 na sports na may 608 events. “I want to express my appreciation to POC President Bambol for his trust and confidence in me to be the head of the Philippine delegation for Cambodia SEA Games,” wika ng 64-anyos na si Loyzaga.



