top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni VA/GA @Sports | February 12, 2023




Nagpatuloy ang pagiging perpekto ng indoor season ni Filipino pole vaulter EJ Obiena matapos nitong magwagi ng silver medal sa ISTAF Indoor Berlin - na isang World Athletics Silver event - sa Germany.


Pumangalawa siya kay World at Olympic champion Armand Duplantis ng Sweden, na siyang nagwagi ng gold sa itinala nitong bagong meet record na 6.06 meters. Ito ang ikalawang silver medal finish na naitala ni Obiena sa loob ng pitong indoor meets kasunod ng kanyang naging second place finish sa Springer International sa Cottbus, Germany.

Nagtala rin siya ng apat na gold medal win sa National Indoor sa Padova, Italy, Perche En Or sa France, Orlen Cup Lodz at Orlen Coppernicus Cup sa Poland at isang bronze medal sa Mondo Classic kung saan naiposte niya ang kanyang indoor personal best at napantayan ang national record na 5.91 meters.


Samantala, pinatawan ng dalawang taong suspensiyon sa paglahok sa Korean Basketball league (KBL) si dating La Salle forward Justine Baltazar matapos hindi magpakita sa koponan ng Seoul Samsung Thunders.


As a result of reviewing the contract violation case of Justine Baltazar from Seoul Samsung... We have decided to sanction the season suspension (until the 2024-2025 season),” pahayag ng liga.

Nabigong makarating ng dating Hiroshima Dragonflies sa Japan B. League sa South Korea matapos maglaro sa Strong Group sa Dubai, na parte ng kanilang usapan sa kanyang kontrata noong Enero.


Baltazar was scheduled to return to Korea on (February) 1st after finishing the Dubai Invitational Tournament, but contact was suddenly cut off,” saad ng KBL. “As a result, Samsung could not register as a player in KBL. In the end, (the team) had no choice but to break the contract with Baltazar.”

 
 

ni VA @Sports | January 25, 2023




Hindi na sasabak sa Cambodia Southeast Asian Games si Hidilyn Diaz- Naranjo kung saan paborito sana siyang magwagi ng ikatlong sunod na gold medal sa weightlifting.


Sa halip, lalahok siya sa Asian Weightlifting Championship na isang Paris 2024 Olympics qualifier na makakasabay ng 32nd SEAG sa Mayo.

Mismong ang asawa at coach ng Tokyo Olympics gold medalist na si Naranjo na si Julius (Naranjo) ang kumumpirma ng balita.

Ang dahilan, mag-aabot at magkakasabay ang Cambodia Games sa Mayo 5-17 at ang Asian championships sa Mayo 3-13 sa Jinju, South Korea.

I don’t see it as advisable for us to compete in the SEA Games because it is not an Olympic qualifying event,” ayon pa kay Naranjo. Gusto rin aniya ng kanyang maybahay na mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataang weightlifters na ipakita ang galing sa Cambodia. “At the end of the day, we’re focusing on qualifying for the Olympics and Hidilyn also wants to give chance to other aspiring athletes who can make a mark in SEA Games,” paliwanag ni Naranjo. “We have to look for what’s more relevant and we think the Jinju competition is more likely our destination.”

May tsansa si Diaz-Naranjo na makasabak sa ikalimang sunod niyang Olympics kung sakali sa Paris kung magwawagi siya sa anim na qualifiers na itinakda ng International Weightlifting Federation para sa 2024 Games.

Nagwagi si Diaz-Naranjo sa unang 6 na qualifying tournaments-ang World Championships noong Disyembre sa Bogota,Columbia.


Ngunit ang agumpay sa Bogota ay nagawa nya sa 55 kgs.category kung saan din siya nagwagi ng gold medal sa Tokyo.

Hindi isinama sa Paris program ang kategorya kaya umakyat ni Naranjo sa 59 kgs division.

Base sa itinakda ng International Weightlifting Federation (IWF) na time line para sa hangad na mag-qualify sa Paris Olympics ay nagsimula noong Agosto 2022 at matatapos sa Abril 2024.

Kabilang sa qualifiers na lalahukan ni Diaz-Naranjo ang 2023 IWF Grand Prix 1 and 2, 2024 senior continental championships at IWF World Cup sa Thailand sa Abril.

 
 

ni GA /VA @Sports | January 22, 2023




Mabibinyagan bilang Filipino-naturalized si six-time PBA champion Justin Brownlee kasama sina 7-foot-2 stalwart Kai Zachary Sotto at MVP’s June Mar Fajardo at Scottie Thompson para iparada ang 24-man pool na sasabak sa ika-anim at huling window para sa FIBA World Cup Asia Qualifier sa susunod na buwan sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.


Matapos manumpa bilang panibagong naturalized-import ng bansa nitong nagdaang Lunes, masusubukan ang 34-anyos na 6-foot-6 All-around player na tulungan ang Gilas Pilipinas na laban sa No.1 Lebanon na nakatakda sa Pebrero 24 at Jordan sa Pebrero 27.


Nito lang nagdaang PBA Commissioner’s Cup ay tinulungan nito ang Brgy. Ginebra Kings na makuha ang kanilang ika-15th kampeonato sa liga, gayundin ang kanyang ika-anim na titulo bilang import at manatiling undefeated sa lahat ng kanyang Finals appearance.


Kasama rin sa 24-man pool na inanunsiyo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sina CJ Perez, Roger Pogoy at Calvin Oftana, Jamie Alonzo at Japeth Aguilar, Raymond Almazan, Chris Newsome at Arvin Tolentino.


Parte rin ng listahan ang mga manlalaro mula sa ibang bansa na sina Kiefer at Thirdy Ravena, Jordan Heading, Ray Parks, Carl Tamayo, Dwight Ramos, naturalized player Ange Kouame, collegiate players Jerom Lastimosa, Schonny Wilson, Kevin Quiambao, Mason Amos at Francis Lopez.


Nung nagdaang Nobyembre sa window five ay winalis ng Gilas squad ang Jordan at Saudi Arabia sa bisa ng 74-66 noong Nobyembre 11 at 76-63 noong Nobyembre 14, ayon sa pagkakasunod, upang makamit ng Pilipinas ang 5-3 kartada sa Group E.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page