top of page
BIDA - AGOT KAY SEN. ROBIN SA HINA NG ULO MONG ‘YAN, SA TINGIN MO, MAUUTO MO KAMI-FB Agot
Search

ni VA @Sports | Apr. 22, 2025



Photo: Muling masisilayan ang pagpedal ng mga cycling icon na sina Jan Paul Morales at Ronald Oranza sa Tour of Luzon.


Dalawa sa 10 miyembro ng Philcycling National men's team na Southeast Asian Games medalist Ronald Oranza at Jan Paul Morales ang papadyak katunggali iba't ibang teams sa Tour of Luzon: Great Revival na magsisimula sa Huwebes (April 24) sa Paoay, Ilocos Norte.


Pangungunahan ni Oranza, double bronze medalist ng Cambodia 2023 SEAG at ni Morales ang lider sa International Cycling Union (UCI) continental team kasama si veteran Junrey Navarra ang 8th-stage race.


Kakarera rin sina reigning national road champion Marcelo Felipe at Nichol Pareja, sa continental team, Victoria Sports Pro Cycling Team, maging si Ruzzel Agapito ng 7-Eleven Click Roadbike. Sasabak ang teams ng Go For Gold PHL, Dandex T-Prime Cycling, Exodus Army, MPT Drive Hub Cycling, 1 Team Visayas, One Cycling Mindanao at Team Pangasinan.


Mangunguna sina Steven Tablizo at Andrei Deudor sa PHL Under-23 Tom N Toms squad, Joshua Pascual at Julius Tudtud ng Excellent Noodles at Dreyna Orion Cement squads.


Ang opening ceremony ay sa quadrangle ng world heritage site San Agustin (Paoay) Church kung saan si DILG Secretary “Jonvic” Remulla kasama si Abraham “Bambol” Tolentino, pangulo ng POC at PhilCycling na magbubukas.


Iwe-welcome ng gobernador at lider ng Paoay ang 119 atleta at 17 teams sa opening ceremony habang si MPTC Chief Regulatory Officer Arrey Perez ang sa opening remarks. Patutunugin ni DuckWorld chairman Patrick “Pató Gregorio ang kampana na hudyat ng simula ng criterium at track races.


Iuuwi ng individual overall winner ang P500K at ang overall team champion ay P1-M. Dumating na ang CCN Factory Hong Kong kahapon, kasunod ang Malaysia Pro Cycling, Bryton Racing Team ng Taiwan at Gapyeong Cycling Team ng South Korea na darating sa Laoag ngayong Martes. Ang Tour ay may kabuuang 1,074.90-km.


 
 

ni VA @Sports | Apr. 3, 2025



Photo: Pinamunuan ni Alyssa Valdez ang panalo ng Creamline Cool Smashers laban sa Choco Mucho kagabi para makaharap sa PVL finals ang Petro Gazz Angels. (Reymundo Nillama)



Laro sa Martes (April 8, 2025 4 p.m. Choco Mucho vs. Akari (Battle-for-bronze)

6:30 p.m. Creamline vs. Petro Gazz (Game 1 finals)



Naitakda na ang Petro Gazz Angels kontra Creamline Cool Smashers para sa 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals.


Umakyat sa huling hakbang ang Cool Smashers sa championship round nang lupigin ang Choco Mucho sa pagwalis ng 3-sets win 25-19, 25-15, 25-15 sa semifinals kagabi sa Araneta Coliseum. Ito ang ika-pitong sunod na finals appearance at kumakaway ang tsansa para sa limang championship crown.


Tumiyak na rin ang 10-time PVL champions na mapalawig pa ang walang bahid na pag-akyat sa podium sa halos 17 kumperensiya. Nagtala ang Creamline ng 2-1 win-loss sa round-robin semifinals kungs aan ang tanging isang pagkatalo ay gawa ng Petro Gazz.


Sa unang laro ng semis, winalis ng Petro Gazz Angels ang Akari Chargers sa bisa ng 25-22, 25-20, 25-18 sets win. Kinumpleto ng Angels ang malinis na 3-0 sweep. Unang nagwagi ang Koji Tsuzurabara-coached squad sa Creamline at Choco Mucho para makuha ang semifinal seat.


Hawak ang dikitang 15-13 na pangunguna, ganado sina Van Sickle, Aiza Maizo-Pontillas, Joy Dacoron, at MJ Phillips para pangunahan ang 10-5 run, at tuluyang iselyo ang panalo.


Nakapag-ambag mula sa humaliling manlalaro si Nicole Tiamzon para sa pinal na lakas ng block kill at tiyakin ang straight-sets sa loob lamang ng 95 minuto. Namuno si Myla Pablo para sa Petro Gazz nang makagawa ng 16 points at 11 spikes, 4 blocks, at ace.


Nagmarka sa kanyang ikalawang sunod na laro ang bigat ng net defense, kasunod ng five-rejection performance laban sa Choco Mucho. Ang Choco Much at Akari Chargers naman ang haharap sa bronze medal match.


 
 

ni VA @Sports News | Mar. 24, 2025



Photo File: Nasa harapan ng bagong bahay ni double gold medalist Carlos Yulo sina Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino, Nesthy Petecio, Aira Villegas at Fr. Eugenio Lopez bilang birthday gift sa kanya ng POC. (pocpix)


May property na sa Tagaytay City sina Paris Olympics double gold medalist gymnast Carlos Yulo maging si bronze medalist Aira Villegas.


Gayundin si Nesthy Petecio na bronze medalist boxer din sa Paris ay may ikalawang bahay sa siyudad na pinangasiwaan ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino. 


“They deserve these homes, they’re not only our Olympic heroes, all of them are national treasures,” ani Tolentino, kung saan ibinigay niya kahapon ang susi sa tatlong Olympic medalists sa Prime Peak Town House subdivision sa Barangay Silang Crossing West.


Napagkalooban si Yulo, ang double gold medalist sa men’s floor exercise at vault sa Paris ng two-storey home na may sukat na 500-square meter habang  kapitbahay niya si Villegas sa siyudad kung saan itinatayo rin ang unang  indoor at wood UCI-standard velodrome.


Ang house-and-lot ayon kay POC secretary-general Atty. Wharton Chan ay may halagang P15 million na belated birthday gift  din ng POC para kay Yulo noong  Peb. 16.


Ang bagong two-storey home ni Villegas ay may sukat na 200-meter pareho rin kay Petecio tulad din ng ipinagkaloob kina  medalists Hidilyn Diaz Naranjo, Carlo Paalam at Eumir Felix Marcial sa Barangay San Jose nang maka-silver sa Tokyo 2020 Games. “I’m very grateful and feeling blessed to receive this house-and-lot and I’m on thankful how the POC helped us in our Olympic preparations in Paris,” ani Yulo sa reporters sa kanilang house blessing ni Fr. Eugenio Lopez. 


“This is what we've been doing since I became POC president—to keep the athletes inspired to win more medals for our country,” ani Tolentino.  


Gagawing bakasyunan ni Villegas ang Tagaytay City kapag wala sa training sa Baguio City habang si Petecio ay maninirahan na rito.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page