top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni VA @Sports | July 6, 2023




Dahil sa kanyang taas na 7-foot-3,may malaking tsansa si Kai Sotto na maging unang purong Filipino na makapasok at makalaro sa National Basketball Association (NBA).


Kasalukuyan ng nasa Orlando si Sotto at nagsimula ng masama ng koponan ng Magic para sa NBA Summer League na magsisimula sa Biyernes sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas.

Inanunsiyo ng Magic sa kanilang social media post ang pagdating ni Sotto sa kanilang training facility sa AdventHealth Training Centre kasama ng mga rookies na sina Anthony Black at Jett Howard —ang kanilang 6th at 11th choices sa nakaraang Annual Rookie Kung makakapagpakita ng magandang performance, malaki ang tsansa ni Sotto na makapaglaro sa NBA.


Magsisimula ang kampanya ng Magic kontra Detroit Pistons sa Hulyo 8. Susunod nilang makakalaban ay ang Indiana Pacers sa Hulyo 10, ang New York Knicks sa Hulyo 12 at Portland Trail Blazers sa Hulyo 13.


Ayon kay Orlando head coach Jamahl Mosley, higit niyang tinitingnan maliban sa skills ang ugali at asal ng player. “Don’t try to do things that you’re not capable of doing. Do what you’re best capable of doing. And I think the more you try to do something you’re not, the more you get exposed. So just enjoy the journey. Enjoy the process, but be a sponge every single day,” ani Mosley. “They’re just soaking everything up that the coaches are teaching, and the coaches are doing a phenomenal job of breaking down things to the slowest level that it can be. So, they’re able to adjust to the game the right way," dagdag pa nito

 
 

ni VA @Sports | July 1, 2023



May import o wala, determinado ang Premier Volleyball League (PVL) na idaos ang kanilang ikatlong conference ngayong taon.


Ito ang inihayag ni Sports Vision at PVL president Ricky Palou kasunod ng naunang napaulat na pagpapataw ng sanction sa kanila ng Philippine National Volleyball Federation's (PNVF)na makakahadlang sa pagkuha nila ng international transfer certificates para sa mga foreign guest players o imports.


Pinatawan ng PNVF ng sanction ang PVL dahil sa pagdaraos nito ng torneo-ang kasisimula pa lang na Invitational Conference nang walang awtorisasyon galing sa kanila simula Mayo 16 hanggang Oktubre 15, ang itinakdang national team training period base sa nakasaad sa Article 6.1.1.b ng Fédération Internationale de Volleyball Sports Regulations 2022 na nilabag ng liga.


"We discussed with the team managers and they're going to go back with their principals, the owners of the clubs, and then get back to us. We need a couple of days. By next week we'll know what the plans are but we definitely will have a third conference with or without the imports," ayon pa kay Palou nang makausap ng mga reporters noong Huwebes. "The teams, they're not worried. For them, we'll have a third conference with or without imports. The teams are out for exposure right? So they really want a conference whether there are imports or not, I'm sure they will want to go on."


Ayon kay Palou, sinabihan na sila ni PNVF president Tats Suzara tungkol sa sanction.


Gayunman, kumpiyansa silang maaari nila itong maayos lalo pa't darating sa bansa ang ilang mga opisyales ng International Volleyball Federation (FIVB) para sa Volleyball Nations League (VNL) sa susunod na buwan.


Samantala, nag-adjust ang PVL sa pagdaraos ng Invitational Conference na iniurong nila ng Hunyo 27 upang bigyang-daan ang training at partisipasyon ng Philippine women's volleyball team sa katatapos na AVC Challenge Cup sa Indonesia, kung saan tumapos na pampito ang mga Pinay.


 
 

ni Gerard Arce @Sports | June 30, 2023




Dadalhin ni Jaja Santiago ang kanyang karanasan at kahusayan sa JT Marvelous sa Japan V.League dala-dala ang ibang numero upang ipagpatuloy ang paglalaro sa labas ng bansa bilang premyadong middle blocker.


Inanunsiyo ng V.League division 1 ang pagkuha nila sa serbisyo ng 27-anyos mula Tanza, Cavite matapos ang ilang taon sa Saitama Ageo Medics na tinulungan niyang makakuha ng second seed sa regular season para sa 24-9 kartada, subalit kinapos sa round-robin semifinals nitong nagdaang season para sa 4th place finish.


I think this season will be an exciting and challenging year,” pahayag ni Santiago sa inilabas na statement sa kanilang website. “I will do my best to work together with my new teammates and show the best performance.”


Minsang hinirang na two-time Best middle blocker ang 6-foot-5 defender na naging laman ng balita na muling magbabalik sa Premier Volleyball League sa koponan ng Chery Tiggo Crossovers matapos mapabilang sa official line-up ng koponan sa 2023 Invitational Conference.


Tumapos sa 5th place ang JT Marvelous noong nagdaang regular season, matapos kapusin sa Top 4, para umabante sa playoffs patungong kampeonato. Nagsimulang maglaro sa Japan ang dating National University Lady Bulldogs standout noong 2018 para sa Aego Medics at dito na rin nakilala ang kanyang nobyo na si Japanese women’s assistant coach Taka Minowa, na na-engage sa kanya noong isang taon.


Huling beses kinatawan ni Santiago ang Pilipinas sa 31st SEA Games sa Hanoi, Vietnam, kung saan tumapos sila sa ikaapat na puwesto, habang naglaro ito sa Premier Volleyball League (PVL) noong 2021 Open Conference para tulungan ang Chery Tiggo na makuha ang unang kampeonato sa liga katulong ang kapatid na si Dindin Santiago-Manabat.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page